...

8 views

PAANO?
"Mahal mo 'ko?"
-He asked,

Paanong hindi?
Paanong hindi ako mahuhulog sayo?
Paanong hindi kita mamahalin?
Paanong hindi ako masasaktan?

Kung sa bawat takbo ng oras,
Ikaw?
Kung sa bawat pagdating ng bukas,
Ikaw?

Mahal kita,
Hindi na kailangan tanungin
Mahal kita,
Sana' y iyong tanggapin.

Sayo'y nahulog ng tuluyan,
Ako sana'y pagbigyan.
Hindi 'man sapat na sabihing mahal kita,
Ito sana'y iyong tandaan.


"Ikaw ang mahal 'ko, at ikaw lang ang mamahalin 'ko."
-I answered.






© CALL1OPE