...

16 views

episode 1-3 "wala pang pamagat"
Sino siya? Sino itong batang lumalaki sa kapanahunan, ang kanyang mga gawain ay mga kahangahangang bagay.
Ang kanyang kabataan iba sa ibang mga kabataan, ano ang naiisip at ano ang kanyang mga hinahangad sa buhay, ang mga ito ay pawang kaaya ayang masdan.

Lumalaking puno ng kabaitan, masunurin sa magulang, masipag sa lahat ng bagay. Bagamat sa karalitaan hindi niya lingid ang kanyang kalagayan, masaya niyang hinaharap ito na puno ng pagsusumikap. Ano ang maitatawag nyo? ano ang pangalan nya? Sino ba ang batang ito? na gumagawa sa sarili nya, ginawa niyang mainam ang una niyang pahina.

Lumaon ang gabi umabot ng umaga, ang bukang liwayway nagmistulang pagasa. Hirap man sa mga kakainin wala itong halaga sapagkat sa mura niyang edad ang ama sa kanya ay makikita. Papano ito nabubuhay magisa lamang ang Ina maliliit pa ang kasama. Si ate si kuya pawang mag aaral pa, ngunit ang batang ito edukasyon sa kahon nilagay nya. Bakit ka naghahangad na maitaguyod ang iba bakit ang sarili mo naabuso mo ng maaga.

Sa umaga simisigaw ng kakaunting barya para sa kanyang tinapay na bahagyang paninda. Pagdapit sumikat ang araw sa kasikatan ng tanghali tumatambad ang pampalamig sa murang halaga. Halos wala ka ng pahinga ang gabi ginawa mong umaga, ang umaga ginawa mong barya. Saan ka kumukuha ng lakas batang masikap dahil ba ang pangarap mo ay maging masaklap. Hahamunin ang hirap tatawirin ang lahat.

Hindi na maglalaon at lumalapit na, ang mga hirap ay kumakalyo na sa pagasa. Hindi mo ito lingid sa mura mong isip, basta para sa iyo babangon kang madali.

kumuha ka ng lakas batang masikap, hangad mo ay makitang mapapabuti ang lahat. Bukas babangon ka babangon at magbabangon ka ang puso mo ay napuno ng tadhana. hinahangad mo baga ay pawang masaktan ka? kakayurin ang lupa bubuo ng pag-asa, isang pag-asa sa kapakanan at pangarap pa ng iba. Balewala sa iyo ito, hirap ay kinakaya mo, ikaw ay tumatawid kahit na malayo.

Pumaparoot parito, ang katawan ay umayon sa hubog ng mundo. Ang paghaba ng buhok ay sumusunod sa mga sakripisyo. nagkakaidad sa kabataan bakas ng yapak ngayun ay humuhukay. Di maglalaon ang kaalaman mo ay maglalawig hindi ka humihinto hindi ka nanahimik. pinatitibay mo ang kaalaman at mga karanasan mo sa buhay, iyong dinadamitan ng isang magandang buhay.

Umuukit ang mga yapak mo sa bawat pahina na ginagawa mo. Lumalalim ang bakas na kasing bigat mo. Para kang isang salamin kapag nasisikatan ng araw lumiliwanag ang kahawig bagamat hindi ka maaninag.. Ngunit ang iyong pahina nalalapit na, na bubuksan muli sa susunod mong kabanata------- to continue------

Related Stories