...

5 views

A dose of you at 12 midnight
Kung pasusulatin ka ng tula
Sa alas dose ng hatinggabi
Tungkol saan ba
Ang mga linyang iyong kinukubli?

Kwentong pag-ibig ba ng iyong kakilala?
O di kaya'y linyang ampalaya ng pelikula?
Panaginip ba na nakakarindi sa takot?
O mga alaala niya na pilit mong nililimot?

Ngayon mapapa isip ka
Ano nga bang linya ang nais kong isama?
Sa kwento ng tula kung isusulat ko sa alas dose ng umaga?
Oo, alam ko na! Tungkol sa kanya wala ng iba.

Magsisimula na sana ako sa mga linya
Pero masakit simulan ang alam kong tinapos mo na
Ikukwento ko pa sana kung paano tayo nagkakilala
Bago ka pa sumama sa iba

Okay na to sa tulang panghating-gabi
Tungkol sa iyo na wala na sa aking tabi
Makatulog nga muli ng mahimbing
Alaala mo sa hatinggabi'y walang kahambing