...

12 views

Episode 1=8 "walang pamagat"
Siya ay biglang nahilo at bumagsak.
lumipas ang 3 araw ng magising siya unti unti niyang minulat ang kanyang mga mata sa pagkadilat nya at pakiwari niya siya ay nasa kaniyang tahanan ngunit napapaliguran siya ng mga nurse at doctora na nagsabi " ayos ka lang ba ginoo?" ginoo ang itinawag kanya sapagkat sa tikas ng kanyang pangangatawan at para siyang nanggaling sa kalangitan na nagmistulang nahigitan ang itsura ng mga artista. " ayos lang po ako" sagot niya" nasaan po ba ako? " sumagot ang doctora na nag alaga sa kanya ng 3araw na pagkakatulog." nasa loob ka ng Ospital at tatlong araw kang tulog, kamusta ang lagay mo? Sinikap ka namin gisingin ngunit para kang napagod ng buong panahon dahil hindi ka magising., anu ang nangyari sa iyo taga saan ka at bakit walang record ang finger prints mo sabi ng NBI na nagdala sa iyo dito sa ospital kasama ng mga pulis? " babanggitin na sana niya ang kanyang pangalan ngunit naisip niya na hindi rin siya makikilala at baka pagkaguluhan lang siya. Kaya siya ay nanahimik at nagtanong kung kaylan ba siya maaaring lumabas?" sumagot ang doctora " kung sa tingen mo na ayos kana at wala masakit sa iyo maaari ka ng umalis huwag mo alalahanin ang gastos sagot na ng Ospital ang lahat dahil pinakiusapan ka ng NBI dito, tungkol doon sa nangyari sa iyo sa loob ng tren napanuod namin?" Nagtatanong na may halong pagkamangha.ngunit hindi siya umimik. " o sige hindi kana namin tatanungin magpahinga kana lamang diyan at kapag gusto muna umalis magsadya ka lamang sa opisina ko." saka sila umalis. Inalala nya ang mga nangyari pati siya ay napaisip din sa nangyari, Paglipas ng kalahating oras siya ay nagbihis at umalis na lamang at dumaan siya sa likod para makaiwas sa mga tao. Hindi na nya alam kung saan siya pupunta at papaano magsisimula sa itsura nya. Nagpatuloy siyang naglakad ngunit hindi maiwasan na pag tinginan siya ng mga tao dahil sa taglay nyang itsura. Maraming mga babae nag papansin sa kanya at nakangiti sa kanya. Ang ilan ay natatawa sa suot niya dahil suot parin niya ang ibinigay sa kanya ng isang guard sa tren station. Wala siyang panyapak at suot suot ang uniform ng isang guwardiya. Pakiwari niya sa sarili dapat niyang ayusin ang sarili ng hindi siya pinagtatawanan. Ngunit wala na siyang Magawa at siya ay napapansin na. Naupo siya sumandali sa children's Park nagisip kung papaano ang kanyang dapat gawin. Naalaa nya yung matanda, " oo nga pala si lolo naalala ko may ibinigay siya sa akin na syrup sabi niya vitamins daw yun at kung makapansin ako ng pagbabago sa katawan ko hanapin ko lamang siya sa lugar na pinaghatiran ko sa kanya." sapagkat ng mga sandaling nakilala niya ang matanda ay natulungan niya ito ihatid sa bahay niya sapagkat siya ay ugod ugod na sa katandaan at hirap maglakad. Inalala niya ang lugar ngunit dahil sa hirap siyang alalahanin pa nagpahinga muli siya sa upuan at nahiga. mga ilang oras pa nagising siya sa tunog ng isang cellphone sa tabi niya dahil nagpapatuloy ang pag ring ng phone sinagot niya at nakilala njya agad ang tinig ng nagsasalita " kamusta kana iho," == to be continue==