...

5 views

Bridgeway
“Whatever the “real” differences between the sexes may be, we are not likely to know them until the sexes are treated differently, that is alike.”
― Kate Millett, Sexual Politics


Nakagawian ko na kapag nag papaalam ako sa guard namin na iihi ako na mag masid masid sa paligid ko dahil mayroon akong thinking na mas okay na alam ko ang nangyayari sa paligid ko kesa hindi ko alam kung ano ba ang ganap... panget naming store lang namin ang alam ko eh anlaki kaya ng MOA complex pero hindi imposibleng malaman ko yun sa tatlong buwan kong stay sa store namin.
Ganoon din ang gawain ko kapag may emergency pull-out sa S Maison na katabi ng Conrad hotel. Pinag mamasdan ko din ang paligid dagdag pa na una kong pagkakataon sa building na yun at nagagandahan ako sa mismong lugar, sa isip ko eh gusto kong magpalipas ng oras sa lugar na yun kasi mas konti (Talagang konti ang tao... bilang mo ang lumalabas pasok) ang tao, kumpara sa mismong Mall of Asia.
Hindi lang pala mga magagarang buildings, façade nito, maski ang mga sasakyang nag dadaan sa mga kalsada nito, isama mo na din ang madaming tindahan sa loob at labas, ang masasabi kong makakaagaw ng pansin ng mata kong mapag masid kundi ang konting kiliti na maihahatid nito sa isip ko. Kung babalikan ko ang nakita ko, hindi ko na maalala kung anong araw ko ito nakita pero dalawang pangyayari ito... isa sa bandang hapon at gabi... magkahiwalay na araw ngunit tumatak sa isip ko.
Naalala ko na nagpaalam ako sa dati naming guard para umihi lang dahil sa malakas ako uminom ng tubig kaya ganun nga ang takbo ng pantog ko, maya’t maya ako naiihi kahit na ayaw ko. Dumaan ako sa harap ng Flatterie noon dahil hindi ko kayang maglakad sa likod ng Ramen Nagi dahil yung water treatment facility nila eh wasak at barado, in short, tumatagas at may amoy kaya sa harap ako dumaan. Habang papalapit ako sa CR eh may nakita akong kumpol ng mga kabataang babae na nasa palagay ko eh 14-18 ang age nila... nag kukwentuhan sila pero ang nakaagaw kasi ng pansin ko eh yung way ng pananamit nila na way to off with their age at kung paano sila kumilos. Nung una eh matapos ko silang mapansin eh dali-dali akong nag punta sa CR para tapusin na ang dapat kong gawin. Paglabas ko at nag lalakad na ako papuntang Flatterie eh nakita ko na ulit sila sa pwesto pa din nila pero kung babalikan ko sila ...tatlo lang sila at nagulat ako kung sino yung pang apat na kasama nila... isang matandang foreigner na nasa palagay ko’y 65-70 years of age na, para na nga nilang lolo ika ko sa aking sarili tapos nagulat ako na bigla nyang inilagay yung kamay nya palibot sa baywang nung babaeng nasa gitna, na nakapalibot ang mga kasama niya sa kanila na tumatawa... hala sabi ko. At nakita ko na silang apat na lumakad palayo. Napa Aba Ginoong Maria ako... nagulat ako malamang at inisip ko yung nakita ko hanggang pagpasok ng store.
Yung pangalawa naman ay nangyari nung nagkataong pag gabi na mga bandang mag aalas siete na ... emergency pull-out sa S Maison... gustong gusto ko pa naman ang mag punta dun dahil sa mga tindahan at sa ganda ng mismong lugar (para na din patayin ang oras haha). Pagkasabi sakin ng senior CS namin na may pull out nga eh agad-agaran akong uminom ng tubig, hinubad yung ID ko at nag paalam sa guard namin...