...

1 views

Isang araw ngunit tila ba'y isang buong taon
Isang araw ngunit tila ba'y isang buong taon
(One day but it seems like a whole year)


I. Isang araw ngunit tila ba'y isang buong taon
Sa sarili'y di mawari ng minsan sa isang pagkakataon
Ako'y nakipag-usap at sumama sa isang estranghero
Nakagaya mo, kahit di ka naman mukhang superhero

II. Isang araw ngunit tila ba'y isang buong taon
Mga ala-ala mo sa aking puso ay bumabaon
Mga ngiti mong mala-anghel na di ko malimut-limut
Mga kwento mong di maubos-ubos ngunit pakingga'y di nakakayamot

III. Kahit noong una'y di mapagkakailang ako'y naiinis
Dahil kala ko'y ugali mo'y di kanais-nais
Pagpasensyahan mo kung sa simula'y naging mapanglait
At sa iyo'y naging mapag maliit

IV. Salamat sa minsang huli ika'y nakilala
Iyong mga payo'y sa akin ay magsisilbing paalala
Alam Kung walang hanggang ligaya ay natamo muna
Sapagkat sa hirap ika'y tunay na malaya na

V. Sa mga paghihirap na iyong binata
Paghihirap mong may mabuting bunga
Di man nakita ng aking mga Mata
Ramdam Kung ika'y tunay nakahanganga

VI. Ako'y nagpapasalamat dahil sa nalalabing araw ng iyong buhay
Ay ako ang pinili Ng may Kapal upang iyong makasama
Salamat, at ang iyong dulot sa akin ay pag-asa at ligaya
Alam kung sa huli sa walang hanggang tayo'y muling magkikita at magkakasama

Written in 2018

© ugma