...

12 views

My Serpent of Death
"Shan."

Umikot ang aking paningin habang binabanggit niya ang aking pangalan. Matindi ang panghihinang nagmula sa aking paa pataas sa aking tuhod. Wala akong maramdaman kundi sakit at pagkalata ng katawan.

"Shan.."

Oo, alam ko.

Alam kong hindi mo ito sinasadya. Alam kong labag saiyong loob ang saktan ako, Agaphus.

Kinapa ko ang bandang tiyan. Kahit nanginginig ang aking kamay at malapit nang mamanhid ay naramdaman ko ang malagkit na likido roon.

Sinabi mong hindi mo ako ta-traydurin ngunit nagawa mo pa rin. Ang pangako mo ay sing-talas ng kortaplumang itinarak mo sa akin; masakit, nakamamatay, mapanghamak.

Ngunit sa natitirang oras ay hinayaan kong mabulag sa kahibangang gawa mo dahil ikaw, Agaphus, ang una't walang hanggan ko.