...

20 views

Sana (Filipino Story)

Noong una kitang nakita sa kaarawang iyon na party, hindi na ako makatulog pagkauwi ko.

Sobrang ganda mo sa pink na dress mong suot. Naka braide ang iyong buhok na nakapag pa simple sa aura mo.

Napangiti ako ng maalala ko ang sandaling iyon..






Maingay ang buong party at nagsasayawan na lahat. Todo sayaw naman ako kasama ang mga kaibigan kong sina Al at Tan. Naghihiyawan ang mga kapwa ko estudyante at tila iniinda ang oras.

Pasado 10 pm na rin ng mga oras na iyon.

*tugs tugs tugs*

Maingay ang tugtugin. Ang ibang estudyante ay nakataas pa ang kanilang mga kamay para makisabay sa saliw ng tugtog.

Nasa kabilang tabi ko lang ang mga kaklase kong mga kababaihan. Sina Elle, Gie, at Rose. Todo sayaw din naman silang magkakaibigan.

Pero habang nakatingin ako sa kanila ay napansin ko ang isang babaeng na nasa tabi nila na sobrang .. ganda. Naka pink na dress siya at naka flat shoes. Ibang iba sa mga babaeng nakikita ko dito sa party dahil halos lahat ay naka shorts lang. Naka braide ang buhok niya na nakalagay sa right side niya.

Hindi siya masyadong sumasayaw gaya ng ilan sa mga babae dito sa party. Pagalaw galaw lang siya sa kinatatayuan niya na parang makakabasag siya ng isang bagay kung gumalaw siya ng todo.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ko siya.

"Uyy Sab sumayaw ka naman! Ganto!" Pagkausap sa kanya ni Elle.

So ibig sabihin, magkakilala pala talaga sila.

Nabigla ang lahat ng mapalitan ang tugtog ng isang pang sweet dance. Kanya kanyang punta ang mga kalalakihan sa mga kapares nila. Sina Al at Tan naman ay nakahanap na ng pares nila.

Napatingin naman ako sa mga kababaihan na nasa gilid ko. Si Elle ay kasayaw ang boyfriend niya. Si Gie naman ay kasayaw ang bestfriend niyang si Men. Si Rose ay kasayaw ang friend niyang hindi ko kilala.

Hinanap ng mata ko ang babaeng nakita ko kanina. Sa paghahanap ko ay napangiti ako ng makita ko siya sa isang gilid. Mag isa. Hindi sumasayaw. Palinga linga lang sa mga couples na sumasayaw sa paligid niya. Sobrang inosente.

Natawa ako sa isip ko.

Nilakasan ko ang loob ko at lumapit sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya ng mapagtanto niya ang pakay 'ko.

"Hi." Usal ko. Nakangiti.

"H-Hello." Nahihiyang usal niya.

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya na siyang ikinalaki ulit ng mata niya. Cute. "May I have this dance?" tanong ko.

Nangiti siya ng alanganin. "A-Ah hehe. Naku naku. Ano k-kasi.. hehe." Usal niya.

"Sige na Sab! Para may first dance kana! Ayiiieeee! Mabait yan!" Sigaw ni Elle.

"Oo nga! Sige na! Kaya mo yan!" Sigaw naman nila Gie at Rose.

So wala pa pala siyang first dance? Nangiti ako. Kaya pala hiyang hiya siya.

"Please?" Usal ko.

Napaiwas siya ng tingin at saka pulang pula na inilahad niya saakin ang kamay niya.

Hinila ko siya sa pinaka gitna at saka ko nilagay sa kanyang bewang ng dahan dahan ang kamay ko. Inilagay niya rin naman ang kamay niya sa batok 'ko.

Sumayaw kami ng mabagal. Kapwa first dance ko rin siya kaya namay hindi rin ako masyadong marunong.

Hindi siya nakaharap saakin kaya nasa gilid ang tingin niya. Nahihiya.

"hey." Usal ko.

Napatingin naman siya saakin. "W-What?" Nahihiyang tanong niya. "S-Sorry. First time e-eh."

Natawa ako. "It's okay." Sagot ko.

God gave me you ang una naming tugtog. Nang pangalawa naman ay 12:51.

Habang sumasayaw kami ay pareho kaming nagulat ng may magflash ng camera sa gawi namin. Nanlaki tuloy ang mata ng kasayaw ko.

"P-Pin! Nakuu. Idelete mo yan!" Sigaw niya sa babaeng kumuha saamin ng litrato. Sumasayaw parin kami hanggang ngayon.

Tumawa lang naman ang Pin daw pagkatapos ay bumelat.

"Nakuu. Humanda ka sakin Pin!" Naiinis na usal niya at saka lumabi....