...

15 views

-SIMULA -Bit (Tatlong Daang Lupon 1)
#btob #compulsion #fantasy #fantasy-fiction #fantasyfiction #fiction #m2m #mental #mental-pinoy #ocd #paranormal #prophecy #romance #romance-friendship #scifi #seer #superpowers #tagalog #technology


---------------------------------------------------

Cuneform Translation: "Pumili kami nang 300 mula sa ilang bilyon. Iniatang namin ang aming mga kakayahan, kaalaman at buhay para maging gabay sapagkat kami ay magbabalik para tanggapin kayo bilang kaisa ng sanlibutan







Simula


------------------------------------------------------------

Ikalawa ng Nobyembre ng sila ay magbalik.

ELAHIM,

AN,

Dyos ng sinaunang Babilonya,

Panginoon ng mga Sumeryano.

Mga nilalang na nagmula sa mga Bituin. Sinisimbulo sila ng pito o tatlong sinag ng liwanag na bumababa sa kapatagan ng musmos na mundo.

Mga nilalang na naibaon na sa limot at logikal na paniniwala na ang mga tulad nila ay kathang isip lamang at di na naaayon sa buhay ng modernong siglo.

Subalit narito sila't ginugulantang ang katahimikan ng araw ng mga kaluluwa't anito.

Nang gabing yun, ang bawat sulok ng mundo'y abalang naghahanda pa sa kanilang "Trick or Treat" o sa pagdidiwang sa pamamagitan ng pagtirik ng kandila sa pintuan. Ang iba nama'y nagsisimba sa kanilang mga kapilya. Marami rin ang nasa establisyimento ng pagdiriwang tulad ng "Bars o Beerhouse" or pribadong "Party". Marami ay nasa kanilang mga tahanan at minamahal, nagsasalo-salo sa munting handaan. Nagpapasalamat, gumagastos, nagmamalaki ng kanilang mga naabot sa buhay.

Yun na ang kinagisnan at naging dahilan ng lahat para sa pagtatrabaho at pagsisikap na ginawa nila sa nagdaang mga buwan ng taon.

Ngunit walang pagbabadya ng lumiwanag ang piling lugar sa palibot ng mundo, na parang patak ng ulan, na nagdadala ng malagong kidlat. Ayon sa ulat malipas ang ilang araw, nasa 69 na sinag ang naibalita ng iba't ibang bansa.

Isang malaking bumbilya ng ilaw. Isperikal na "Unidentified Flying Object".



Isang maliit na araw ang bumulag sa ilan na nakainkwentro nito. At syang naging dahilan ng "panic" o pagkabadya sa nakararami ng kumalat ang mala ugat na ulap nitong liwanag at naging " smog".



Marami ang naniwalang isa itong pagsakop. Ang mga relihiyoso nama'y naghugas kamay at iwinasiwas ang kanilang kahandaan para sa katapusan ng mundo bilang sila ay banal at may dalisay na pamumuhay. Ang ilan ay sabik na tanggapin ang mga bagong kaibigan.

Ngunit ang lahat ng yaong haka- hakay walang silbi. Isa lang ang sigurado sa lahat ng ito. Na ang mundo ay di na magiging tulad ng dati.

------------------------------------------------------------



Nang mangusap ang mga Dyos sa ikapitong araw. Sumeryanong salita (ayon sa mga eksperto) ma'y naunawaan ito ng lahat.

Animoy ang pangungusap nila ay nasa isip lamang at hindi sa pandinig. ..



Matapos nuo' y lumisan sila na parang panaginip.

Ang mensahe nila' y isang habilin sa totoo lang.
Tatlong simbolo ang iniwan nila.


Unang Simbolo - Na ang ibig sabihin ay "tatlong daan."







Ikalawa - Simbolo ng " kakayahan, kaalaman at Buhay bilang Dyos"


Ikatlo - Simbolo ng " Muling pagkikita sa sanlibutan".



------------------------------------------------------------



Sa sinaunang panahon, may tatlong dahilan ang mga mananakop:

"Gold", "God", "Glory".

Ngayon. Walang nakaka-alam sa kalayaan at kapangyarihang ibinahagi ng mga mala-Dyos na nilalang...



O sa gyerang nangyayari na tumatagal ng 2 libong taon sa kahabaan ng nakaraan hanggang sa hinaharap.


Gang sa kanilang pagbalik.