...

3 views

My sweet bff


Nandito ako nakaupo sa upoan ko sa loob ng classroom katabi si Reed.
Habang nakikinig kay ma'am kahit na hindi ko ma intindihan. Ano bayan kanina pa ako nakikinig kay ma'am pero walang ni isang lesson ang pumapasok sa utak ko.

“Ok everyone who want to volunteer to answer does question right here in front of the blackboard.” tanong ni ma'am.

At bigla napatingin si ma'am at bigla niya ako tinawag kaya na pasigaw ako.

“WHATTT!!? AKO MA'AM!?!!” gulat na sigaw ko na para bang nasa tuktok ako ng kabilang bundok at si ma'am ay asa kabilang bundok naman

kaya napatakip ng tenga si ma'am. At bigla nagising ang mahimbing na natutulog na si Reed.

“ Ms. Ivy answer the questions on the blackboard now!”inis na tugon ni ma'am.

Kaya para mawala ang hiya ko sa pag sigaw ay rumampa ako na para bang feel na feel ko ang pag punta sa harapan sabay kuha ng chalk nang bigla akong napahinto at napatingin nalang sa blackboard.

“Hehehe ma'am papaano po ba ito?” kamot ulong tanong ko nalang ng mapag tanto ko na hindi ko pala alam kong ano ang gagawin ko.

Kaya tinitigan ako ng matalim ng bilang may dumating....

Si Jammaica (jam) pala kabatch namin kasama ang kaklase niya babae din.

“Ah. Good morning Ms. Lee may ipapaperma lang sana kami. Galing kay Ms. Artezuela" pagbati ng dalawa sa prof. Namin.

"Oh, I see. Ah pumunta ka muna sa table ko doon sa likuran." Tugon ni ma'am na agad rin sinunod ng kasama ni jam.

At agad ko naman sinitsitan si jam na hindi nakakapansin sakin.

“Pstttt! Jam.” Mahinang tawag ko sa kanya

Na agad naman niya pag lingon sa akin. Nang makita niya ako ay kaagad siyang napatawa, senenyasan ko siya na lumapit saakin. Na agad naman niya ginawa, pag ka lapit niya ay pina sagotan ko sa kanya yong dapat na sagotan ko sa blackboard.

Dahil sa matalino ang bff ko ay nasagotan niya kaagad ang lahat ng mga tanong na nandon sa blackboard.

“Oh, ayan na bff, wag mong isumbong kay ma'am ha? Kunwari kinaya mo.” bulong pa nito sa akin.

“Haha... I love you na talaga my sweet bff!” natutuwang sabi ko sa kanya sabay hug at kiss sa pesnge niya.

Yan si jamiaca my sweet bff. Siya ang pinakamatalik kong kaibigan na minahal ko ng tudo mula noong mga bata palang kami hanggang ngayon at laging nandiyan pag na ngangailangan ako at nadon din naman ako para sakanya pag siya naman ang na ngangailangan.

Kababalik lang ni ma'am with my bff’s classmate kase katatapos lang mag sign ni ma'am. Kaya sensyasan na ako ni Bff na aalis na daw sila.

Pagkaalis nila ay laking gulat ni ma'am, dahil sa tapos na akong mag answer.Kaya tiningnan niya ng mabuti ang mga sagot ko este sagot pala ni bff.

“Ahmm. Well done Ms. Ivy your answers are all correct. You may sit now ms. Ivy”Saad ni ma'am.

Pumalakpak naman ang ilan pero walang ganang nga lang, ang iba naman ay parang wala lang . Haysssttt

“ANG HINDI PUMALAKPAK MAMATAY!” Biglang sigaw ko na ikinabigla ng lahat.
kaya biglang lumakas ang tunog ng palakpak. Higit na malakas na pumalakpak si Reed (bbf) habang tumatawa ng apaka lakas.

Hehe... Takot ata sila sa katare kid jeez, Kala nila ha. Ako pang mangdaraya hindi papalakpakan?. Salamat sayo Jam my sweet bff ng buhay ko!!

---THE END---
© Bittercrazy18