QUIT PLAYING GAMES: Prelude
AIDI KIM BALTAZAR’S STORY
Quit Playing Games
PRELUDE:
“WOAAAAHHH!!” Kahit di ko na tingnan, alam kong si Lawrence Chen ang sumigaw.
“Senpais!!!!” Di pa rin ba nagbabago ‘tong si Akir Oikawa? Hindi naman na kami mga bata.
Ako ang unang nakarating dito sa TRU. Dito na raw kasi magkita-kita sabi ni Xiev Gomez para di na magkaligawligaw pa.
“Oy! Aidi! AIDI ka ba kikibo?” Inuumpisahan na naman ako nitong Lawrence na ‘to eh.
“Oo nga Aidi-senpai! Bakit ayaw mo kaming kausapin?”
“Famous na ba ‘tong Aidi na ‘to? Ayaw sumagot!”
Di ko sila pinansin kaya silang dalawa na lang ang nag-usap. Napabuntong-hininga ako. It’s been 20 years. Grabe! Di ako makapaniwala, buhay pa ako? HAHAHAHA.
Sobrang daming pagbabago dito sa TRU at mas lalong gumanda. Nakakatuwang panoorin yung mga kolehiyong naglalabas pasok sa university.
It sure brings back so many memories.
“Guys! Kumusta na?” Nakangiting bati sa amin ni Saec Kaewcharoen na kalalabas lang mula sa kotse niya.
“Oy! Parang di tayo tumatanda ah! Ang g-gwapo pa rin natin!” At tumawa nang malakas si Law.
“Oo nga, Senpai! Gwapo pa rin ako!” At nagbuhat ng sariling bangko si Akir.
“Bakit di niyo kinakausap ‘tong si Aidi?” Tanong ni Saec at bigla niyang pinatong sa balikat ko yung kamay niya.
“Siya nga yung ayaw sumagot eh”
“Oo nga Senpai! Di pa namin naririnig boses niya eh”
Tumingin sa akin si Saec. “Are you deaf and mute now?”
Tumaas ang isa kong kilay at umawang din ang bibig ko. Abnormal. I just don’t feel like talking. Gusto ko munang mag-reminisce dito.
Tinanggal ko yung pagkakahawak ni Saec sa balikat ko at ngumisi sa kanila.
“Gago” bitaw ko na medyo natatawa.
“Ay wow! Mura talaga ang una naming narinig mula sa’yo, Aidi?” Namamanghang sabi ni Lawrence.
“Oo nga naman, Aidi!” sang-ayon ni Saec at tumawa rin.
“Nasaan na ba si Xiev? Parang kanina pa ako rito” Tanong ko.
“Mga ilang minuto lang ang pagitan nang pagdating natin dito, Aidi. Wag ka ngang magmalaki dyan,” reklamo nang panget na Lawrence Chen.
I think lahat naman kami naging successful sa kanya-kanya naming careers.
“Oy Senpai! Kain tayo sa restau mo ah!” Sigaw ni Akir kay Law.
“Doble ang bayad kapag kayo ang kakain!” Pang-aasar ni Law.
“Grabe! 20 years na tayong di nagkikita pero ganyan ka na Law” komento ni Saec.
May lumapit sa aming lalaki na naka-black suit at nagtanggal siya ng sunglass niya.
"WOAAAHH! Ganyan ba pag-inlove na inlove?" Pang-aasar ni Saec kay Xiev na kararating lang.
Mukhang inlove nga 'to. Ganda ng ngiti eh.
"Hiya naman tayo kay Saec na sobrang inlove kay Prince, college pa lang," natatawang sabi Law.
"Oy, Aidi musta na pala kay---"
"Di pa ba tayo papasok? Alas-tres na kaya ng hapon" Putol ko sa itatanong sana ni Saec.
Nauna na akong maglakad papunta sa entrance ng main building (kung ito pa rin ang main)
Ramdam ko namang sumunod sila sa akin hanggang sa pumantay sa akin si Xiev.
Medyo pinagtitinginan din kami ng mga students dito. Naghintay kami na bumaba ang elevator sa ground floor.
Patuloy pa rin ang pag-uusap nila Saec, Akir at Law. Si Xiev naman kanina pa nagtitipa sa phone niya. Ako? Wala. Walang kausap.
"OYA! OYA! OYA! IF IT ISN'T THE 5TH CIRVE?!"
Sabay-sabay kaming lumingon sa sumigaw ng 5TH CIRVE habang naglalakad sa amin nang may malawak na ngiti. Maraming student tuloy ang lumingon sa amin.
"Ryota, napakaingay. Nasa lobby tayo. Hinaan mo ang boses mo," nakapamulsang sabi ni Shun na tila ba naiirita sa kapatid.
"Reunion ba 'to? May performance ba ulit ang the legendary 5TH CIRVE?" Natatawang tanong sa amin ni Ryota Reyez.
Ngumiti lang ako sa kanya. "Uy, Aidi! Ikaw pala 'yan. Pagwapo ng pagwapo ah"
"May gusto ka ba sa akin?" Pang-aasar ko kay Ryota.
"Uy gago 'to! Alam mo Aidi, sa ating pito ngayon na naririto, ako ang pinakagwapo. Di natin maitatanggi ang katotohanang iyan!"
Nagtawanan kami.
"Ryota, lakasan mo pa kaya? Sobrang hina ng boses mo eh," sarkastikong sabi ni Shun.
"Siya nga pala,...