...

7 views

Still A Human
Unti-unti nang pumapanaog ang araw at ang asul na himpapawid ay nahahaluan na ng kahel, nag-aaway na ang dalawang kulay para sa laki ng teritoryong kanilang gustong sakupin bago gumabi.

Ikaw lang ang nakatingin sa taas habang ang iyong mga kasama sa kalsada ay patuloy na naglalakad. Wala ka nang pakialam kung ika'y tumigil sa gitna ng daan at nakakaabala sa iba. Nais mo lang malanghap ang hangin kahit sandali, nais mo lang makita ang langit kahit saglit.

'Tigil, oras,' pagsaisip mo.

Kahit ngayon lang, nais mong maramdamang nabubuhay ka para saiyong sarili.

At hindi dahil sa mapanghusgang lipunang patuloy kang inaapakan at sinasaktan.