...

19 views

The Distant Planet
Ang ilaw na sumanib sa sanlibutang hindi maabot-abot ni Ariya ay kaniyang pinagmasdan. Matagal na rin niyang gustong lakbayin ang distansyang naghihiwalay sa kaniya at sa buntalang iyon.

Kung sakaling dapuan siya ng pagpapala ng Panginoon ng Sandaigdig, hangad niyang magkaroon siya ng kapangyarihan– kapangyarihang makakatulong upang makapunta sa kabilang dakong iyon.