...

2 views

Nine ( tagalog version )
Chapter two


"This is your key Madam." Iniabot sakin ng recepcionist ang susi ng magiging kwarto ko dito sa hotel. Nginitian ko siya at lumakad papunta sa elevator may dala akong handbag at ang bagpack ko na naglalan ng mga mahahalagang kagamitan.

Napatingin ako sa lalaking makakasabay ko sa elevator kaya bahagya akong tumabi sa gilid, nalanghap ko agad ang pinagsamang amoy niya pawis at natural na amoy panlalaki niya. Hindi siya mabaho kagaya ng ibang lalaki na kapag may pawis ay iba ang amoy, itong lalaking ito ay nakapagtatakang nagustuhan ko pa ang amoy pero pinilig ko ang ulo ko at naghintay na lang na makarating ako sa kwarto na tutuluyan ko dito sa hotel.

Nang tumunog ang elevator ay hinanda ko na ang sarili ko sa paglabas kaya nauna ako sa kanya, nakahinga ako ng maluwag pero bago iyon ay napalingon ako sa lalaki na nakatingin pala sakin kinabahan ako sa paraan ng tingin niya pero hindi panganib ang nakapaloob doon kundi isang damdamin na kailanman ay hindi ko naramdaman.

Nagmadali akong naglakad palayo sa lugar at para hanapin ang magiging silid ko nahanap ko naman agad ito at agad na binuksan ang pinto sabay sandal ko sa nakasarang pinto ng kwarto napadausdos ako at parang kinapos ng hininga kaya mahigpit akong napakapit sa bandang dibdib ko sa tapat ng puso ko na parang sasabog sa lakas ng tibok nito.

Sa loob ng halos isang daang taon ay ngayon ko lang naramdaman ang ganitong damdamin, kakaiba kumpara sa takot at saya nakakakilabot dahil sa isang estranghero ko lang naramdaman ang bagay na iyon.

Tumayo ako at inilapag sa ibabaw ng kama ang bag ko at binuksan ito para ilabas ang loptop ko. Binuksan ko ito at kumunekta sa wifi na naka install dito sa loob ng kwarto nagtipa ako ng ilang minuto bago ko makita ang sarili ko sa screen kailangan kong makausap agad si Aki para matanong ko siya sa naramdaman ko kanina.

"Hello! Nine. hows your flight?" Isang masiglang boses ang bumungad sakin, isang chinitong lalaki na nakasalamin ang nakangiting kumakaway sakin.

"Akihiro" kimi kang akong ngumiti dahil nararamdaman ko parin ang kaba kani kanina lang.

"Pekeng ngiti may nangyari ba?" Seryoso na siyang nakatingin sakin kaya sinalubong ko ang mga mata niya na nagtataka.

"May nakita ako kanina...isang lalaki at ang bilis ng tibok ng puso ko." Napapalatak siya sabay pang hampas sa lamesa niya kaya inirapan ko siya dahil tumatawa narin ang gago.

"Pwede ba para kang baliw!" Irap ka kanya kaya napatigil agad siya.

"Ingat ka lang ha walang nakakakilala sayo dyan pero hindi natin alam." Napatango ako tama hindi ako dapat maging kampante dahil baka nasa tabi lang ang mga tauhan ng mga taong gusto akong makuha upang magamit nila sa pansarili nilang kagustuhan.

Nagpaalam na sakin si Akihiro dahil papasok pa ito, samantalang ako naman ay humiga sa malambot na kama at pumikit pero isang mukha ang biglang gumitaw sa balintataw ko kaya napamulat ako bigla.

Inis kong ginulo ang buhok ko at talukbong ng makapal na kumporter.

*Author's note*

Done chapter three haha enjoy😊