...

2 views

Ruthless (Chapter 2)
Chapter 2 (Kissed)

A week passed.

Buong linggo ata akong nasa bahay lang. Wala namang masyadong client ngayon kaya di ako madalas na pumupunta sa opisina. Mukhang paubos at paubos narin ang mga krimen at lagim na nagyayari sa bansa natin kaya habang tumatagal, nawawalan narin ata ng silbi ang mga abogadong tulad ko.

I decided to go downstairs. Kaming dalawa lang ni Ian sa bahay since lumipad sina mommy and daddy kahapon papuntang New York for some business.

"Ian may makakain ba diya-"

I stopped. Ni hindi ko natapos ang sanay sasabihin ko dahil si Ethan agad ang nakita kong nakaupo sa sala namin. Komportable siyang nakasandal at nakapatong ang mga paa sa mini table habang nanonood ng tv. Nasa carpet naman si Ian na kumakain ng popcorn.

Kung hindi ako nagsalita, hindi sana nila ako makikita. Too late, pareho nang nasa akin ang atensyon nilang dalawa.

"Yes twiny. Popcorn you want?"

"Nevermind. Aakyat nalang ako ulit, I want a real food Ian, not a popcorn." medyo mataray kong sagot at akma na sanang tatalikod ng magsalita si Ethan.

"Kailan pa ba hindi naging pagkain ang popcorn?"

"Oo nga no? Kung di to pagkain, bakit ko kinakain?"

Tsk. Stupid Ian. Bakit ba di niya sinabi sa akin na may bisita pala siya? At si Ethan pa talaga?

"You guys enjoy watching the movie. Clean your mess when you're done!" pahabol kong sabi saka na umakyat ng hagdan ulit.

Nang alam kong di na nila ako kita ay saka ako tuluyang natigilan.

Is it real?

Nandito ba talaga si Ethan?

Okay parin ba para sa kanya ang gumawi dito sa kabila ng ginawa ko sa kanya? Hindi ba siya naninibago na after 6 years heto ulit siya at parang walang nangyari?

Hinawakan ko ang dibdib ko. Ang bilis. Sobrang bilis ng pintig nito.

Yong gutom na kanina ko pa dala dala ay napalitan ng kaba.

Come on Lian, may Mia na siya!

Nalungkot ulit ako sa palaisipang yon. Yes, may Mia na nga pala siya. Nandito siya hindi para sa akin, kundi dahil kay Ian.

Nothing more, nothing less.

"Akala ko ba nasa kwarto ka? Bat parang ikinakausap mo yang pintuan ng kwarto mo?" nagulat ako sa nagsalita. It's Ian from my back. Mahina lang ang boses niya, malamang para di siguro kami marinig ni Ethan sa baba.

"Ano bang ginagawa niya rito? At bat di mo man lang sinabi?"

"Do I have to? Kapag sinabi ko ba sayo ipagluluto mo kami ng pagkain? Pag sinabi ko ba sayo bababa ka at sasamahan kaming manuod? Diba hindi naman? So hindi ko sinabi kasi wala ka namang gagawin." he said habang nakasandal sa pader at nakapamulsa ang dalawang kamay.

Ian looks good. Kung hindi ko siya kapatid, alam kong isa siya sa mga lalaking hahangaan ko.

"That's the point Ian. Kung sinabi mo di sana hindi ako lumabas. Are you insane? Pano kung lumabas ako ng walang damit?"

"Really Lian? Lalabas ka ng walang damit? Kailan ka pa lumabas ng walang damit?" natatawa niyang sunod sunod na tanong na para bang hindi niya inaasahan na yon ang sasabibin ko. "At kung lalabas kang walang damit who cares? Siguro naman nakita na yan ni Ethan noon diba?"

Nanlaki ang mga mata ko sa huli niyang sinabi. Pinandilatan ko siya habang siya pigil na pigil sa katatawa. Kapatid ko ba talaga to?

"E-excuse me? Bumalik ka na nga ron! Wala ka lang magawa e, bat hindi si Ethan ang asarin mo?"

Pumasok ako ng kwarto at pabalibag kong isinara ang pinto. Narinig ko parin ang malakas na tawa niya sa labas kahit nasa loob na ako. Uminit ang mga pisngi ko. Damn Ian, anong akala niya nakita na ako ni Ethan noon na nakahubad?

Nagkasama na kaming matulog noon ni Ethan, and Ian knows about it. Kasama pa nga namin siya non e pero mas pinili niyang sa kabilang kwarto nalang matulog. But then we never touched. Alam ko dahil ramdam ko si Ethan ng gabing yon pero mas ramdam ko kung pano niya pinigilan ang sarili niya wag lang mangyari ang bagay na yon. We're too young at that time. Pero ngayon iniisip ko kung kaya niya pa rin bang magpigil kung may katabi siya sa kamang matulog.

And that thought bother me a lot.

Nagtabi na kaya sila ni Mia? May nangyari na ba sa kanila?

Argghh! At ano namang pakialam mo Lian?!

Napailing ako sa mga naiisip ko. At kung oo, may magagawa pa ba ako? Kung oo, mababago ko pa ba? He's not mine anymore. The more I care about him, the less he cares about me.

Bumalik ako sa pagkakahiga at ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Pero wala, si Ethan parin ang nakikita ko kahit sa dilim. Damn it!

Naisip ko ang position niya kanina. Ethan Tiu. Sa totoo lang mas tumingkad siya ngayon kesa dati. Kung gano siya kagandang lalaki noon, mas trumiple pa ata ngayon. Ethan used to be the crush ng bayan way back in college. Hindi lang ng campus, pero ng buong bayan. Kaya nga medyo marami rin ang pilit na lumalapit sa akin noon at kinakaibigan ako kasi alam nilang masyadong close si Ethan at Ian. Pero nong nalaman nilang kami na ni Ethan, hindi ko alam kung marami ba ang natuwa o marami rin ang nagalit sa akin.

Hanggang sa nakatulog nalang ako kaiisip ko sa Ethan noon at Ethan ngayon. Nagising nalang ako at di namalayang alas 9 na ng gabi.

Nandito pa kaya siya? Marahil wala na.

Dahan dahan akong lumabas at sumilip kung may tao pa ba sa sala. Luckily, wala na. Wala rin kaming mga katulong. Sinanay kami ng mom and dad na lumaking walang mga maids and yayas. Gusto nilang matuto rin kami na kahit hindi kami naghihirap sa buhay ay alam parin namin ang kumilos lalo na sa gawaing bahay.

Agad akong pumunta sa kusina para maghanap ng pagkain. Kanina pa ako nagugutom. Kung hindi lang dahil kay Ethan, kanina ko pa sana napakain ang mga bulate ko sa tiyan.

Kumuha ako ng apple, sandwich at nagtimpla narin ng gatas saka dinala sa kwarto. So creepy naman kung ako lang ang kakain dito gayong madilim na ang buong bahay. I dunno kung nandito ba si Ian o sumama na naman kay Ethan.

I sat on bed saka nagsimulang kumain. After that niligpit ko na ang pinagkainan ko saka nag toothbrush. Nag half bath na rin ako saka muling humiga nagbabakasakaling dalawin pa ng antok. Sa haba ba naman ng tulog ko maghapon.

Isang oras...

Dalawang oras...

Tatlong oras na ata ang lumipas pero heto pa rin ako at dilat na dilat ang mga mata. I can't sleep. Ni pumikit kahit gising ay hindi ko na ata magawa.

"The hell!" sigaw ko at napaupo sa kama. Kailangan ko ng kausap. It's 2 am at ayokong salubungin ang 3 am ng mag-isa. Mom told me gising lahat ng evil spirit kapag alas 3 ng madaling araw. Bata palang ako isa na yan sa mga kinatatakutan ko.

Bumangon ako at dali daling pumunta sa kwarto ni Ian. Though hindi ako sure kung nandito ba siya, sinubukan ko pa rin. Hindi naka lock ang pinto, thank God.

Pumasok ako at kahit madilim ang kwarto niya nakita ko siyang nakahiga at mahimbing ng natutulog.

Malamang Lian, sino bang gising pa ng ganitong oras?

"Ian..." malambing kong sabi saka tumabi sa kanya. Nahiga na rin ako at since nakatalikod siya sa akin, niyakap ko siya at niyugyog yugyog para magising.

"Ian ano ba gumising ka. Natatakot ako..." sabi ko at pilit siyang ginigising. Bakit ba kasi tulog mantika ang taong ito kahit kelan.

Gumalaw siya at tumihaya. Madilim kaya di ko makita ang mukha niya.

"Ian please wake up." sabi ko sa mahinang boses.

Hinigpitan ko pa lalo ang yakap sa kanya. I miss him. Medyo matagal na rin ng magtabi kaming matulog. Wala na sakin kahit tulog pa siya, as long as may kasama ako ngayon.

Pipikit na sana ako ng bumukas ang pinto ng banyo at kasabay non ay pagbukas ng ilaw. And there I saw Ian, katatapos lang maligo.

Pakiramdam ko nanigas ako. Gulat akong napatingin sa kanya at ganun rin siya sa akin. Ni hindi ko pa inaalis ang pagkakayap ko sa sinumang katabi ko ngayon na akala ko ay siya. Nagtitigan lang kami na kapwa gulat na gulat.

"What the fuck Lian." sabi niyang walang kaemo-emosyon. This time nakatingin na siya sa mga kamay kong mahigpit na nakayakap sa katabi ko.

Saka ako natauhan. Dahan dahan kong tiningnan kung sino ang katabi ko at nakita ko si Ethan na gising na gising at seryosong nakatingin sa akin.

"Shit." malutong kong sabi saka agad na tumayo. Muntik pa akong natisod dahil sa pagmamadali. The hell! Hindi ko alam anong gagawin ko. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako palabas o kung hihingi ba ako ng sorry.

No! It's not my fault!

Hindi ko alam na nandito siya!

"I-I thought it was you, I'm sorry." nakayukong sabi ko at lumabas ng mabilis at bumalik sa kwarto. Napasandal agad ako sa pinto. Oh my God, nakakahiya!

Pero hindi ko talaga alam!

"Lian?" narinig ko ang boses ni Ian kasabay ng pagkatok niya sa pinto.

Huminga ako ng malalim saka dahan dahang binuksan ang pinto. Sinalubong ako ng mukhang nanunukso. Pumasok siya at kahit hindi niya sabihin alam kung nandito siya para asarin ako.

"What was that? Ano yon Lian?" tumatawa niyang mga tanong at komportableng humiga sa kama ko.

Naiwan naman ako sa harap ng pintong nakatayo lang habang hindi parin makapaniwalang nakatingin sa kanya.

"I swear to God hindi ko alam! Diba dapat ako magtanong niyan sayo? WHAT WAS THAT? Anong ginagawa niya dito? Bat dito siya natutulog?" defensive kong sabi.

"Alam mong nandito siya. Again Lian, kailangan ko pa bang sabihin sayo lahat?"

I smirked. Ano pa bang ineexpect ko? Alam kong hindi niya ako pagagalitan, mas masaya pa nga ata siya sa nangyari.

"At saka, hindi mo ba naisip na hindi ako yon? Pareho na ba kami ng amoy ngayon?"

Napaisip ako sa sinabi niya.

That smell. Yeah! Bat di ko naisip yon! Damn it!

Oo nga pala, hindi pabango ni Ian ang amoy na naamoy ko kanina! Ian used to use light perfume habang si Ethan naman dati pa ay matapang na scents na ang gamit niya.

"Kahit pa! Sana man lang sinabihan mo ako. Babae parin ako Ian baka nakakalimutan mo. I need privacy!"

"Calm down. Hindi bat ikaw ang pumasok sa kwarto ko ng walang pahintulot? Bat parang kasalanan pa ni Ethan? Hindi bat ikaw ang tumabi sa kanya at bigla nalang yumakap? Bat parang ikaw pa ata ang inabuso?" mahaba niyang sabi.

He got a point pero for goodness sake I also have a point!

"Kasi nga hindi mo sinabi! Isa pa nakita mo Ian, nakita mong gising siya. Dapat meron siyang ginawa. It's either tumayo siya bago ko pa siya niyakap o nagsalita siya agad ng nalaman kong hindi ikaw yon!" sumisigaw na ako sa inis.

"Whatever Lian. Mukha ka namang nag enjoy e."

Inabot ko ang isang unan at malakas na ibinato yon sa kanya. Agad niya namang nasalo kaya hindi siya natamaan. Tawang tawa siyang tumayo pero di ko parin siya tinigilan, binato ko ulit siya at this time sapul.

"Siya kamo ang nag enjoy! Hindi siya nagsalita kahit alam niyang akala ko ikaw siya!"

"Sinong hindi mag eenjoy kung matagal niya ng gustong mayakap ka ulit." mahina niyang sabi saka tuluyang lumabas.

Sinong hindi mag eenjoy kung matagal niya ng gustong mayakap ka ulit.

Sinong hindi mag eenjoy kung matagal niya ng gustong mayakap ka ulit.

Sinong hindi mag eenjoy kung matagal niya ng gustong mayakap ka ulit.

Parang sirang plakang paulit ulit na bumabalik yon sa utak ko. Galing yon kay Ian, pero hindi ko maiwasang umasa na sana kahit sa kunting pagkakataon ay totoo ang sinabi niya.

Lumabas ako ng kwarto at muling pumunta sa kusina para uminom ng malamig na tubig. Wala na akong pakialam kung nasa kabilang kwarto man si Ethan o kung saang parte at sulok ng bahay. Kailangan ko ng malamig na tubig para magising ang diwa ko na kahapon pa naaapektuhan sa presensya niya.

Mabilis kong ininom ang isang baso.

At isa pang baso.

Iinom na sana ulit ako ng isa pa ng biglang bumukas ang pinto ng ref na labis kong ikinabigla.

"The fuck Ian! Ano ba?!" sigaw ko at muntik ko pang nabitawan ang hawak ko.

"Ethan. It's Ethan."

Pinindot ko ang switch ng ilaw at bumuluga sa akin si Ethan na topless at kumukuha rin ng tubig. Para akong pepe na hindi nakapagsalita at pinanuod lang siya sa ginagawa niya.

Ano bang nangyayari? Bat ba lagi siyang nagpapakita kung mas gusto kong wag nalang siyang makita?

Hanggang ngayon naaapektuhan parin ako habang siya halatang wala lang at walang wala lang ang presensya ko sa kanya.

Bobo ka ba? Syempre nakamove on na yan sayo!

Gustuhin ko mang umalis ay hindi ko magawa. Pano ba naman kasi? Nakaharang siya sa daanan ko at wala akong ibang pwedeng daanan kundi sa harap niya.

"Dadaan ka ba?" tanong niya pagkatapos niyang uminom.

Hindi ako sumagot. Isang tango lang ang ibinigay ko sa kanya para makuha niya ang ibig kong sabihin. Umatras siya ng kaunti at binigyan ako ng daanan.

Hindi ko alam kung dadaan ba ako o hindi gayong alam kong nasa harapan ko parin siya.

"Daan ka na." sabi niya ulit at itinuro pa ang bakanteng space sa harapan niya.

I can't even look at him straight. Ni sa mukha, sa mata o kahit anong parte sa kanya hindi ko magawang tingnan.

Huminga ako ng malalim at naglakad na. Trying to hide the bullshit nervous I am feeling right now. Pero ng saktong nasa tapat niya na ako, bigla niya akong hinila dahilan para mapasandal ako sa pintuan ng refrigerator.

I was so shocked. So shocked na hindi ko malaman kung anong magiging reaction ko.

"E-Ethan..." tanging nasambit ko at akmang aalis sana pero nasa gitna na pala ako ng mga braso niya.

Nasa magkabilang pader ang dalawang kamay niya habang ako ay nasa gitna at halos maduling na sa sobrang lapit ng mukha niya. Ramdam ko ang init ng ref dahil sa pagkakasandal ko pero mas ramdam ko ang init ng katawan niyang sobrang lapit sa akin.

"Yes?"

Shit! Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? The way he said yes, para siyang nang-aakit na hindi ko maintindihan.

At anong yes? Tumabi ka diyan at daraan ako! Gusto kong isigaw pero di ko magawa.

"Bakit Lian? Bakit hindi ka makatingin? Bakit parang natatakot ka sakin? Bat parang hindi mo na ako kilala?"

I can't see his emotion. Tama siya, hindi nga ako makatingin sa kanya.

"Look at me."

Inuutusan niya ba ako? Inuutusan niya ba akong tingnan siya?

"Why? Are you still affected huh?"

Sa ngayon napapikit na ako at sa muling pagdilat ko ay sinigurado kong sa mukha niya na ako nakatingin. Yes, I'm still affected pero hindi niya dapat malaman yon.

"Why Ethan? Yon ba ang iniisip mo?" sabi ko na parang naging hamon pa sa kanya.

"Sa ikinikilos mo, hindi malabong yon ang isipin ko." sagot niyang titig na titig sa mata ko.

"Bakit? Ano ba sa tingin mo ang ikinikilos ko? Wrong Ethan, ako na ata ang hindi mo kilala ngayon." I said trying to defend myself kahit alam kong tama naman ang hinala niya.

"I don't think so. Sa tagal ng panahon, alam kong hindi ka parin nagbabago."

Amoy na amoy ko na ang mabango niyang hininga.

Shit.

Kailangan ko ng makaalis dito.

"How can you assure? Ngayon lang naman tayo nag-usap ulit. Hindi mo pwedeng bigyan agad ng konklusyon ang taong matagal mong hindi nakita o nakasama." mariin kong sagot.

"I can read you Lian. I can read your mind but sad to say you can't read mine. Hanggang ngayon hindi mo parin ako mabasa. Samantalang ako lahat ng kilos at ginagawa mo, alam na alam ko."

"Oh come on Ethan. You sounds pathetic. Ano bang alam mo?"

Sa ngayon hindi siya sumagot. Matalim niya lang akong tiningnan mata sa mata. Well, ganon rin ang ginawa ko. Kung kaya niya akong basahin, pwes mabasa niya sanang hindi ako magpapatalo.

"Anong alam ko? Marami Lian. Marami akong alam at hindi ko alam kung gugustuhin mo bang pakinggan." sobrang diin ng pagkakasabi niya bawat salita.

"Alam kong iniwan mo ako. Alam kong umayaw ka sa proposal ko noon. Alam kong hindi ka pa handang harapin ang buhay mo kasama ako. Alam kong hindi mo pa kayang sumama sa mundong meron ako. Alam ko Lian. Alam na alam ko."

Sa mga narinig ko, biglang nanikip ang lalamunan ko at tila ba may bumara don. My eyes starts to water at alam kung hindi ko maitatago sa kanya yon kahit anong gawin ko.

"Talaga ba? Yon ba ang alam mo Ethan? I guess you're wrong. Sa pagkakaalam ko, hindi kita iniwan. Ikaw ang umalis. Sabi ko hindi pa ako handa, hindi ko sinabing ayoko na. Magkaiba yon Ethan. Magkaibang magkaiba." and yes, nahulog na ang mga luhang kabubuo palang pero nag unahan na sa pag-agos.

"After that night bigla ka nalang nawala. Hindi ka na nagpakita ni hindi mo na ako kinausap. Tapos ano? Malalaman ko kay Ian na nasa New York ka na? Yon na yon? Ni hindi ko alam kung tayo pa o hindi na. Walang closure, ang pag-alis mo lang ang naging malinaw sa lahat. Iniwan mo akong walang sagot sa mga tanong na gusto kong sagutin mo."

I don't know kung bakit kailangan ko pang magpaliwanag.

But I just did.

"If you were in my shoes will you stay? Lian hindi ka handang makasama ako. I told you that night that I am sure about you, pero bakit ikaw hindi?"

"We're too young that time!"

"Damn! Damn that reason!" napigil ko ang hininga ko sa pagsigaw niya. The last time I saw him mad was 6 years ako. "We're too young pero sigurado na ako!"

"Hindi mo ako naiintihan-"

"Bakit ikaw naintindihan mo ba ako?"

"Ethan please, just let me go." pakiusap ko sa kanya. "Paraanin mo ako."

Hindi na dapat namin pag-usapan pa ang nakaraan. Wala naman ng mababago diba?

Kahit ilang beses pa kaming magtalo, past will remain past.

Biglang may tumikhim sa likuran at sabay naming nakita si Ian.

God, bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay.

"Did I disturbed you guys? Sorry." nakangiti niyang sabi saka pinindot ang switch ng lights kaya dumilim ulit ang paligid.

Nang tingnan ko siya, nakasunod ang mga mata niya kay Ian na ngayon ay paakyat na ng hagdanan. Sinamantala ko ang pagkakataon para makawala, inalis ko ang kamay niya at dali daling kumilos pero mas naging mabilis ang kilos niya. Agad niyang nahawakan ang dalawang kamay ko at ang huling alam ko, magkalapat na ang mga labi namin.


© frianeza