Butas sa Kisame
Maulan ang buong magdamag. Napansin ni Arne ang tulo mula sa kanilang kisame habang s’ya ay nakatulala sa kawalan at saktong nagmumuni. Nagmula ang tulo ng tubig sa butas na maliit lang ngunit nakakuha ng kanyang atensyon ng hapon na iyon. Matagal na din ang butas, sabi ng kanyang ina sa kanya, mga isang taon na din at dahil siguro sa walang ibang ginagawa kundi magbasa, manood sa telebisyon, matulog sa kwarto ng kanyang kapatid, at maglaro ng Pokemon cards kaya bigla nyang napansin ito sa mga oras na iyon. Nasabi nya na ito sa kanyang ama na ipinagawa ito ng nakaraang buwan at nagawan ng paraan sa pamamagitan ng paglalatag ng lona at pagtatali niyon sa bawat sulok ng bubungan nila.
Ngunit kahit na gayon ay tumutulo pa din at kumakalat sa kisame ng kwarto nila ang basa mula dito at naisip nyang maaaring iyon ang ikasira ng kanilang kisameng kahoy. Dagdag pa aniya, ang tulo ay napupunta din sa kurtina na hindi naman pansin ng kanyang ama ngunit kapag lumaon ay nababasa nito ang kalahati ng kurtina nila sa kwarto.
Sinabi n’ya ito sa kanyang ama noong ito ay umakyat sa kanilang kwarto para makipag kwentuhan ngunit hindi ito umimik… ilang beses niyang sinabi… ngunit walang imik.
Naalala bigla nya na sa dati nilang bahay bago sila lumipat sa tinitirhan nila ngayon, napakadaming butas ngunit natatakpan nila, may umaagos pa na tubig sa sahig tuwing malakas ang ulan ngunit nakakagawa sila ng paraan para hindi mabasa ang kanilang mga gamit sa ilalim ng kama at sa mga kahon na nakaimbak ang kanyang mga pinakamamahal na libro. Sa mahabang panahon...