Pili
Paano kaya kung maaari nating piliin ang mga bagay na pinakaimportante sa paglikha ng pagkatao natin kung sino tayo ngayon bago tayo isilang sa mundo. Tulad ng kung pwede nating piliin ang antas sa buhay ng mga magulang natin… tulad ng magiging kasarian natin… tulad ng itsura natin… tulad ng kulay ng balat natin… tulad ng kung sino, ano ang ugali at katangian ng mga magiging magulang natin.
Hindi naman siguro masama ang mag-isip ng mga bagay na ganyan dahil sa hindi naman kontrolado ng kahit sino ang iniisip natin at kung bakit natin iniisip ang mga bagay na yan… pero paano kaya kung pwede nga?
Halimbawa, kung pwede nating piliin ang antas sa buhay ng magiging magulang natin. Nakikita kong na wala ng bata ang makakaranas ng buhay na walang-wala, buhay ng mga magulang na isang kahig isang tuka ang moda na ipapamana sa mga anak, buhay na malapit sa panganib dahil walang pribilehiyo sa seguridad na natatamasa ng mga nakakaangat sa buhay. Malamang ay maayos lahat ang buhay ng bawat bata at naibibigay ang kanilang pangangailangan bilang isang bata...