...

3 views

Ruthless (Chapter 3)
Chapter 3 (Threats)

He kissed me.

No. He is now kissing me.

Hindi ko magawang kumilos o itulak man lang siya dahil hawak niya ang dalawang kamay ko. He's moving his lips against mine. Hindi ako makagalaw. Sa sobrang daming nakakagulat na kaganapang nangyari sa akin ngayong araw, this one is the worst.

Bigla niyang binitawan ang kanang kamay ko. Akala ko pakakawalan niya na ako pero lumipat lang yon sa pisngi ko. He is now holding my right cheek, gamit ang malambot niyang palad ay unti-unti niyang pinunasan ang mga luha kong patuloy parin pala sa pag-agos.

I closed my eyes. Damn I miss him so much. I miss everything about him.

Gusto kong manlaban. Gusto kong itulak at patigilin siya hindi dahil sa gusto ko pero dahil alam kong mali ito. Pero sa halip na gawin ko ang tama, I found myself responding to his kisses.

His sweet kisses.

At ng maramdaman niyang humahalik na rin ako pabalik, mas lalo niya akong inilapit sa kanya at hinawakan ang bewang ko.

"Shit." mura niya ng putulin niya ang halik. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko.

Napalunok ako. I don't know what to say.

"I miss you. I miss you Lian. How did I survive for 6 years without you? How did I survive for 6 years without kissing those lips." halos pabulong niyang sabi habang nakatingin sa mga labi ko.

"Say something. Stop bothering me with your empty reactions." dagdag niya.

"Damn. Did you miss me? Did you feel the same way?" tila nag mamakaawa niyang tanong.

Oh yes Ethan I miss you so much. God. I miss you more. I miss you so much.

Pero bat di ko magawang sabihin? Bat di ko pwedeng sabihin? Bakit bawal? Bakit hindi pwede?

"Talk please. Talk."

May naramdaman akong luha na tumulo sa mga pisnge ko. This time alam kong hindi yon galing sa mga mata ko. Shit.

"Kung ibabalik ko ang araw na nakilala kita, lahat uulitin ko para itama lahat ng pagkakamali ko. Kung ang yayain kang magpakasal ng maaga ay mali para sayo, pagsisisihan ko. Kung alam ko lang na matatakot ka, sana hindi ko nalang ginawa. Kung alam ko lang na hindi ka pa handa, sana hinayaan muna kitang makitang handa na bago ako gumawa ng desisyon. Lian mahal kita kaya ko nagawa yon. Masama na ba ako? Mali bang mahalin ka ng sobra sobra?"

Napapikit na ako. Magkadikit ang mga noo namin habang sinabi niya ang lahat ng yon kaya damang dama ko bawat salita.

Nasasaktan ako para sa kanya. Nasasaktan ako para sa akin. Nasasaktan ako para sa amin dahil alam kung kahit kelan ay hindi na pwedeng maging kami.
Na hindi na pwedeng maging kami ulit.

"M-mali tong ginagawa natin."

I don't wanna ruin the moment pero mali talaga to. May Mia na siya. Kung hindi ko nakakalimutan na may girlfriend na siya, hindi niya rin dapat makalimutan yon.

Dahil sa sinabi ko bigla siyang napabitaw. Binitawan niya ang kamay ko, ang bewang ko at tuluyan na siyang lumayo sa akin. Kung gano kami kalapit sa isa't isa kanina ay ganun naman kami kalayo ngayon.

I heard him took a deep breath.

"Go now, matulog ka na." malamig niyang sabi at iniwan akong mag-isa sa madilim na kusina.

Napapikit ako at pinigilan ang paghagulgol ko ng iyak. That was it? Damn. Ano pa bang inaasahan ko? Natural naalala niya si Mia, natural na maisip niyang hindi ito tama.

Hindi ko alam kung saan na ako nakatulog, basta ang alam ko hindi na ako nakabalik sa kwarto. Nagising nalang akong nasa kwarto na ni Ian, magtataka pa sana ako pero agad kong nakita ang iniwang notes ng kapatid ko sa side table.

I don't know what happened between the two of you last night. Pero parang malala pa ata sa iniisip ko dahil sa sala ka na nakatulog. Binuhat nalang kita kesa ginising. Your room is locked so I have to carry you in my room. Eat your breakfast, Ethan worried a lot ng makita kang nakabaluktot sa sofa. Don't do that again, he said.

I have to work. I love you.

-Ian

Ilang ulit kong binasa yon bago ko naintindihan ng mabuti. When it comes to leaving a notes, Ian is the sweetest.

Napahimbing ata ang tulog ko dahil hindi ko man lang naramdamang binuhat niya ako. Siguro dahil na rin sa masyado kong pag-iyak at sobrang napagod ang mga mata ko.

Ibinuhos ko ang atensyon ko sa sumunod na mga araw sa mga bagay na hindi magugulo ang utak ko. Pilit kong kinalimutan ang nangyari nong gabing yon. Lahat pinilit kong wag maalala lalo na ang halik na pinagsaluhan namin.

It can distract me or worse makes me fall for him hard over again.

Kung anuman tong nararamdaman ko para sa kanya, dapat hanggang dito nalang. Hindi na dapat madagdagan pa.

Nandito ako ngayon sa opisina ko at tinatapos ang mga files na halos tatlong araw ko ring iniwan ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Jelline, secretary ko. Nakangiti niyang iniabot sa akin ang isang bouquet.

"Pinabibigay raw po sa inyo ma'am. Deniliver lang po sa baba."

"For me? Kanina raw galing?" tanong ko habang chinicheck ang bulaklak na ngayon ay hawak hawak ko na. Magtatanong pa sana ako pero lumabas na ang secretary ko. Walang ibang nakahalo don kundi isang card pero wala namang pangalan.

"Damn are those things that's making you sad and down, you're better off without them. Smile, my princess."

Nagtataka akong sinuri ang bawat parte ng card at bulaklak. Kanino to galing? Para sakin ba talaga to? Hindi kaya nagkamali lang sila ng delivery?

Wala naman akong kilalang tinatawag ako ng my princess.

Hindi kaya si Ian?

Dali kong dinampot ang phone ko at dinial ang number niya. Dalawang ring lang at sinagot niya naman agad.

"Yes twiny?" agad niyang bungad sa kabilang linya. "May problema ba?"

"Did you sent some flowers for me?" diretso kong agad na tanong.

"Flowers? Nope. Why would I only give you flowers if I can give you the whole garden?" tumatawa niyang sagot. Tsk. Kahit kelan di siya matinong kausap. "But wait, seryos o ka ba?"

"Of course I am! Tatawag ba naman ako sayo para tanungin ang isang bagay na hindi seryoso? Someone gave me flowers. Walang pangalan. And it's freaking me out. You know I don't like secret stuffs Ian."

"Oh my, my little twiny got an admirer."

"Enough. Akala ko matino ka pa namang kausap." naiinis kong sabi at pinutol na ang tawag.

I sat on my swevil chair at nag-umpisang mag-isip kung kanino to pwedeng manggaling. Pero halos malanta na ata ang mga bulaklak ay di parin mabuo sa isip ko kung sino ang nagbigay nito.

Is it Ethan?

No!

Bat ka niya naman bibigyan ng bulaklak? Stop thinking about him lalo na sa mga bagay na hindi ka naman sigurado.

Hanggang sa sumunod na mga araw ganon parin. Lagi na akong nakakatanggap ng mga bulaklak pero wala pa ring pangalang nakalagay man lang except sa mga cards.

"Flowers for a lovely woman, hope that it can make you smile."

"I don't wanna miss any moment, I want to pay the day I wasn't able to see you smilin'."

"Can I say something crazy? I love you, my princess."

Hindi ko alam kung dapat ba akong sumaya sa mga cards na nababasa ko o kung dapat na ba akong matakot kasi hanggang ngayon wala pa rin akong clue kung sino ang posibleng taong nasa likod nito.

"Bat di ka makipagkita at ng malaman mo?" tanong sa akin ni Ian habang kumakain kami. Nasa bahay kami ngayon, pareho kaming maagang umuwi kaya heto't sabay kaming kumakain.

"Pano nga? Ni address or phone number nga wala e." nakapout kong sagot.

"Alam mo ikaw hindi ka rin nag-iisip e. Pangalan nga ayaw ibigay, address pa kaya? Tsk."

Irap lang naging sagot ko. Nakakainis talaga to kahit kelan.

"Wala ka bang itatanong sa akin?" maya maya tanong niya habang abalang tumutusok ng bacon.

"Timang ka ata e, kanina pako tanong ng tanong sayo hindi mo naman nasasagot."

"Pano ko sasagutin kung wala ka namang ibang itinatanong kundi kilala mo ba sinong nagbigay ng bulaklak sa akin? Hindi ko nga sabi kilala, kailangang paulit ulit?" pagmamaktol niya.

"May iba pa ba akong dapat tanungin?" pag-iiba ko sa usapan at nakipag-agawan na rin sa bacon na malapit ng maubos.

"Hmmmm, depende." sagot niya.

Napatingin ako sa kanya.

"Depende? Anong klaseng depende?" nakakunot noo kong tanong. Hindi ko gets.

"Depende kung gusto mo siyang tanungin at hanapin."

Muntik na akong mabulunan sa sagot niya. Slow akong kausap minsan pero hindi pagdating sa taong gusto niyang sabihin.

"Who?" kunwari inosente kong tanong.

"Who ka diyan, you know who he is. Wag kang in denial Lian."

"At bat ko naman siya tatanungin aber?"

"Bakit nga ba itinatanong at hinahanap ang isang tao?"

"Kasi nawawala?" kagat ang kutsarang sagot kong patanong.

Gusto kong ibahin ulit ang usapan. I don't want to talk about him anymore, God knows how I tried my best not to mention him even in my thoughts.

"Kasi namimiss mo. Ethan keep asking about you. Sige isipin mo Lian, isipin mo ang logic don."

At dahil sa sinabi ni Ian, hindi na naman ako nakatulog. Magdamag na naman akong tulala at di man lang madalaw dalaw ng antok. Para akong sira ulong sunod sunuran sa sinabi ni Ian na isipin ko kung anong logic sa sinabi niya.

May logic ba don?

Kaya heto ako ngayon, iniintindi ang logic na hindi ko naman maintindihan.

Bakit mo nga ba hinahanap o itinatanong ang isang tao?

Kasi namimiss mo.

Ethan keep asking about you.

"Ano namang logic don? Ahhhhh! Ian, malalagot ka sa akin bukas." nangangatal kong sabi habang nasa ilalim ng kumot at sinasabunutan ang unang yakap yakap ko.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko baka sakaling makatulog ako. Pero muli akong napadilat ng may naisip ako.

Namimiss mo ang isang tao kaya mo itinatanong.

Ethan keep asking about you.

Therefore, Ethan miss you.

Ethan miss me?

Yon ba ang logic na ibig niyag sabihin?

No Lian, stop assuming.

Ni hindi ka nga dapat maniwalang nagtatanong si Ethan kay Ian tungkol sayo, ang mamiss ka pa kaya?

But then again, naalala ko na naman ang sinabi niya nong halikan niya ako.

"I miss you. I miss you Lian. How did I survive for 6 years without you? How did I survive for 6 years without kissing those lips."

"Tang-ina naman!" sigaw ko sabay upo at hagis ng mga unan at sabunot sa sarili kong buhok. Nasisiraan na ako ng bait. Sirang sira na ang utak ko.

The more I think about him, the more I assumed. I must stop. I better stop. Naaapektuhan man ako sa presensya niya o kahit marinig man lang ang pangalan niya, it has nothing to do with me. Why? Dahil gustuhin ko man o kahit anong gawin ko, the fact that he have Mia, I already loss the battle. At ang rason na yan ay sapat na para tuluyan ko na siyang kalimutan.

Wala sa sariling inabot ko ang guitar na nakasabit sa gilid ng kama. Nilaro ko ang mga string nito at di ko namalayang tumutugtog na pala ako. It's been a year ng huli akong tumugtog. Akala ko di na ako marunong, kinalimutan ko na rin kasi pati ang pagkanta. Sa tuwing kumakanta ako noon, napapaiyak lang ako. Bawat lyrics ng kanta, si Ethan lang naalala ko.

Pero ngayon heto ulit ako.

Pumikit ako at nagsimulang kumanta.

I know it's been a while since our eyes last met

Too many words were left unsaid

Your head was poking out of the driver's seat

Eyes full of tears, I couldn't leave

Kung tama ba ang kantang napili ko ay hindi ko alam, basta ang alam ko, ito ang nararamdaman ko sa oras na ito.

No matter what I do

I still feel you coming back to me

When I know that you never will

So before I say goodbye

Would you do one last thing for me?

Be happy...

Kahit alam kong masaya na siya. Kahit alam kong hindi ko na kailangang sabihin pang maging masaya siya.

And take, take her to the moon for me

Take her like you promised me

Say you love her every time like how you told me the last time

Someday I know we'll meet again

In heaven by the rainbow's end

And I only wish you happiness

Until we meet again

At ngayong nagkita na ulit kami, magiging saksi ako ng pagmamahalan nila ni Mia. Pagmamahalan na dati ay kami, pero ako rin mismo ang hindi tumupad at ngayon ay mismo ring nagsisisi.

Wish I could stick around and fight back your tears

Tell you "My love, I'm still here"

Someday we'll understand why I had to leave

But for now I need you to set me free

No matter what I do

I still feel you coming back to me

When I know that you never will

So before I say goodbye

Would you do one last thing for me?

Be happy

And take, take her to the moon for me

Take her like you promised me

Say you love her every time like how you told me the last time

Someday I know we'll meet again

In heaven by the rainbow's end

And I only wish you happiness

Until we meet again

No matter where you are

You'll always have my heart

No matter where you are

I'll love you from afar

And the last thing I remember, ipinangako ko sa sarili kong iiyak nalang ako ng isang beses bago tuluyang nakatulog.

"Good morning twiny. How's your sleep?" bungad sakin ni Ian habang naghihikab pa.

Abala ako sa paghahanda ng almusal naming dalawa. It's sunday at wala kaming trabahong pareho, beside, mom and dad will come home tonight.

"Better. Mahimbing. Sobra." sarcastic kong sabi pero di niya ata napansin.

Umupo siya sa harap ng lamesa at nangalumbaba.

"Mom and dad want us to have dinner tonight." inaantok niyang sabi.

"Yeah. Tumawag sila sakin kanina, they want it special? Bat kailangang sa hotel pa tayo kumain pwede namang dito nalang? I can cook. Anong meron?"

"They want me to bring Ethan there."

Napatigil ako sa pagsandok ng kanin. Tama ba ang narinig ko?

"And Ethan said yes."

Bat naman siya kailangang sumama pa? At bakit gusto siyang makita ni mommy at daddy? God! Parusa yon para sa akin.

"At bakit daw?" kalmado kong tanong at humarap sa kanya. Umupo na rin ako at nagsimula ng kumain.

"I don't know? Hmmm. Hihingi siguro ng sorry?" and then he chuckled.

"Sorry for what?" may nagawa ba sila kay Ethan ng hindi ko alam?

"Sorry para sa anak nilang maganda. Kilala mo ba yon? Yong anak nilang nang-iwan kay Ethan noon? Kung ako yon di ko aayawan ang ganong proposal, nag effort pa naman ako sa mga electric candles na yon e. "

Inagaw ko sa kanya ang hotdog na sana ay tutusukin nya ng tinidor.

"Huwag kang kakain. Magluto ka ng kakainin mo." naaasar ko na namang sagot. Ang aga aga binubwesit ako.

"Why? May sinabi ba ako?" humahalakhak niyang sabi.

"Hindi ko siya iniwan. Umayaw lang ako pero hindi ako bumitaw."

Bigla siyang sumeryoso sa sinabi ko. Umayos siya ng upo at ibinigay ko na rin sa kanya ang hotdog. Napansin niya atang biglang nagbago ang mood ko. Sabi ko kakalimutan ko na siya pero heto na naman at pangalan niya na naman ang pinag-uusapan.

"Umayaw at bumitaw. Anong pinagkaiba non?" tanong niyang nakatingin ng seryoso sa akin. Kahit nakayuko ako at hindi nakatingin sa kanya, alam kong sinusuri niya ang expression ng mukha ko. "Pareho lang yon diba? Kaya nga bumibitaw ang tao kasi ayaw niya na. Kaya kung ayaw na, it means bitaw na."

"Proposal niya lang naman ang inayawan ko, hindi siya. Magkaiba yon Ian. Bibitaw ka lang naman kung may sapat na dahilan-"

"At sa tingin mo hindi sapat na dahilan ang hindian mo ang proposal niya para bumitaw siya?" putol niya sa sasabihin ko.

"Alam kong kasalanan ko. Alam ko yon. Pero sino bang kinakampihan mo? Ako o siya?"

"Kung sino ang tama."

"Hindi niya ako naintindihan. Ilang beses ko bang sasabihin yon sayo? Bata pa tayo non Ian, ikaw ba? Hindi mo ba yon inisip nong pinagplanuhan niyo yong dalawa? Natural na makaramdam ako ng takot, natural na ganun ang magiging reaction ko."

Wala ng kumakain sa aming dalawa. Hindi tamang magtalo kami sa harap ng hapag kainan pero nangyayari na.

"Alam ko. Pero sa tingin mo pipigilan ko ang gustong gawin ni Ethan kung sigurado ako at alam kong mahal ka niya? I knew it. I knew it from the start. Anong gusto mo? Hayaan kong mapunta ka sa gago? Sa sasaktan ka lang?"

Hindi na ako nagsalita pa. Oo magkaibigan sila pero magkapatid rin kami.

"Ethan used to loved you that much."

Ouch. Used to Loved. Past tense.

Ngayon aasa pa ba ako kung kay Ian na yon mismo nanggaling?

How sad it is to watch love turns to loved.

Kaya kahit gaano niyo kamahal ang isa't isa, darating at darating ang araw na ang mahal kita ay magiging minahal nalang kita.


© frianeza