...

3 views

Love Wave ( tagalog version )
{ Chapter one }

Noong bata pa ako laging sinasabi ng Mama at Papa ko na ako ang pinakamagandang regalo sa kanila ng panginoon, dahil ako lang ang nag-iisa nilang anak sobrang saya ng pamilya namin kami lang ni Mama naiiwan sa maghapon dahil nagtatrabaho si Papa. Sa pag-uwi niya ay excited kami lagi na umuwi siya dahil nagluluto si Mama ng masarap na hapunan, inihahanda ko naman ang pamalit pambahay ni Papa, habang si Mama ay naghahanda na nang hapunan tapos sabay-sabay kaming naghahapunan at nagkukwentuhan, ako ay maraming ikinukwento mula sa eskwela, tapos ay sabay-sabay din kaming nagdadasal bago matulog at katabi ko sila lagi sa pagtulog.

Laging ganoon ang routine namin walang problema at laging masaya.

Sa tuwing mayroong mga activity sa school tungkol sa pamilya ay lagi kong ipinagmamalaki sina Papa at Mama. Lagi silang naroon at nanonood na may kapwa ngiti sa mga labi. Wala na akong mahihiling pa dahil lagi akong masaya at kontento.

Pero may hanganan din pala ang lahat isang trahedya ang nangyari, hinding hindi ko makakalimutan ang gabing iyon dahil nawala sila mismo sa harap ko. Gusto ko na siyang kalimutan pero paulit-ulit siyang bumabalik sa alaala ko.

Lagi akong nagtatanong sa kanya bakit ako? Bakit sina Papa at Mama? Bakit sila pa?.

"Aina hindi ka nanaman ba makatulog?" Napalingon ako kay Tiya tsaka siya naupo sa upuang kinauupuan ko. Hindi ko namalayan na naluluha na pala ako kaya napapunas na lang ako ng luha ko.

"Nagising lang po ako na masama ang panaginip ko Tiya" humilig ako sa kanya at napahikbi ng tuluyan yinakap lang niya ako nang mahigpit, noong mga panahong mag-isa na lang ako ay dumating siya malayo siyang kamag-anak ni Mama, siya lang ang nag-iisang pumunta noon at nagdesisyong isama ako dito sa Manila. Mula noon ay nagbago na lahat lumipas ang panahon pero nandito parin ang sakit at hapdi sa puso ko.

"Magiging maayos din ang lahat anak wag mo nang alalahanin ang lahat isipin mo ang positibo atsaka nandito lang ako lagi hindi kita iiwan" tumango-tango at yumakap ako nang mas mahigpit pa sa kanya kahit papaano ay maswerte parin ako dahil nandito parin si Tiya Luz ang tumayo kong ina mula noon hangang ngayon at mayroong nakakaunawa at nagmamahal saakin.

"Rise and Shine Sweetypie!" nagising ako sa matinis na boses ng Kuya ko este Ate ko pala hihi, si Ate Panama ewan ko ba kay Tiya kung bakit iyon ang pinangalan niya kay Ate pero gustong-gusto naman niya ang pangalan pang-international daw ang dating. Mayroong dalawang anak si Tiya, sina Ate Mabelle at si Ate Panama ang asawa ni Tiya ay matagal na daw namatay kaya tatlo na lang sila at masaya daw siya at nakadagdag ako sa pamilya. Bakla si Ate Panama pero hindi naging hadlang iyon sobrang lapit ko sa kanya unlike kay Ate Mabelle na galit saakin siya ang problema ni Tiya Luz bihira lang siyang umuwi kaya medyo tahimik at masaya ang bahay kapag tatlo lang kami. Noong bata pa ako at kadarating ko lang dito ay lagi niya akong binubully si Ate Panama ang laging nagtatangol saakin at madalas na siyang napapalo at napapagalitan ni Tiya Luz.

Ibang-iba ang lugar na ito sa kinalakhan kong buhay sa Cebu pero masaya ako dahil may naging bagong pamilya ako at mayroon nadin akong mga kaibigan.
Natigil lang ako sa pag-alaala ng tangalin ni Ate Pan ang kumot ko.

"5 more munites Ate, antok pa ako eh" ungot ko pero kiniliti niya ako sa tagiliran kaya napatawa ako lakas kaya ng kiliti ko sa tagiliran.

"Sige hindi ako titigil kapag hindi ka pa bumangon marami tayong aktibidades ngayon Sweetypie" napabangon ako at natatawa na lang kakaiba talaga siya mangising sa umaga mayayanig buong mundo mo.

"Oh halina kayong dalawa at makakain na tayo" bungad saamin ni Tiya na naghahanda na nang almusal nakapaligo na ako at nakabihis ngayong araw ay walang pasok kaya tutulong ako sa pagtitinda kay Tiya ng mga kakanin si Ate Pan naman ay papasok sa Salon sa tapat mismo ng pwesto namin sa palengke kaya may kabisihan kami ngayong araw.

"Nay hindi niyo ba kase kukunin yung binibigay ko sainyo?" Si Ate Panama na muling igiit ang binibigay niyang pera kay Nanay.
"Nakabayad nanaman tayo sa kuryente at tubig eh malaki ang tip ng costumer namin pandagdag puhunan din yon" nakangusong pagpapatuloy ni Ate Pan natawa si Tiya pati ako ay napailing ang bait talaga ni Ate Pan, dahil sa kanya kung bakit hindi kami hirap ngayon hindi tulad noon pahirapan dahil pareho pa kaming nag-aaral todo kayod si Tiya sa aming dalawa. May iniwang funds noon ang mga magulang ko pero pang college ko daw iyon minsan ko nang hiniling kay Tiya na gamitin namin iyon pero tumangi siya dahil iyon ang iniwan ng mga magulang ko para sa pang college ko.

"Anak ipunin mo iyon malay mo magkaisip kang magpatuloy ng pag-aaral edi may magagamit ka" sa huli ay napatango na lang si Ate Pan.

"Kaya ikaw bebe ha pagbutihin mo pag-aaral mo naku malapit ka nang mag-college dapat nga college kana eh mayroon lang k12 ngayon" napatango ako at ngumiti kay Ate ngayong school year kase ay Grade-11 na ako sadly dahil madadaanan ko pa ang dalawang taon sa senior highschool.

Nang muli akong pumanhik sa kwarto ko ay kinuha ko ang litrato nina Papa at Mama at yinakap nang sobrang higpit.
Hindi ko maiwasan ang hindi umiyak dahil namimiss ko sila araw-araw pero kahit papaano ay masaya ako na kasama ko sina Tiya Luz at Ate Pan dahil sa kanila kung bakit ako masaya at kontento sa buhay ngayon at ito ang ipinagpapasalamat ko sa Panginoon.

Mama,Papa kung nasaan man po kayo ngayon sana po ay lagi niyo kaming gabayan at bantayan nina Tiya Luz at Ate Pan, pati narin po sana si Ate Mabelle. Mahal na mahal ko po kayo.

An: sana suportahan niyo rin itong panibago kong story :)

LOVE WAVE