...

14 views

Friend Of Mine
Tyler, Hannah and Vernon we're bestfriends. As time goes by Vernon sees himself falling for Hannah unexpectedly. He loves her but What if Tyler loves Hannah too? what will Vernon do? The sake of their friendship Or the beat of his heart?

Chapter 1

Vernon

Nagla-lakad kami ni Hannah sa hallway nang bigla na lang may umakbay sa aming dalawa.

"Shit Tyler "

mahina kong sinuntok sa braso si Tyler dahil sa ginawa niya natatawa naman sa aming dalawa si Hannah. Parang musika yun sa pandinig ko Ang ganda niya talaga walang kupas.

"Tama na yan punta na tayong classroom baka malate pa tayo at mapagalitan na naman tayo ni professor santos"

"Opo Ma'am"

sabay naming sambit ni Tyler at nagtawanan naiinis naman kaming tinalikuran ni Hannah.

mabilis namin siyang sinundan at pumasok na kami nang classroom buti Wala pa ang tabatchoy naming professor.

umupo na kami sa kanya kanya naming upuan.

ok let me introduce myself to you guys. I'm Vernon Del Rio, 17 years old and currently studying at Garrison High, isang elite na paaralan sa pilipinas. mayaman ako actually halos lahat kami dito.

isang pediatrician si mommy habang si daddy ay isang neurologist at pangarap ko balang araw ay maging isang sundalo habang Si Tyler ay gustong maging abogado while Hannah wants to become a doctor someday.

We're Childhood Friends. Magkaibigan din kasi mga family namin kaya ganito rin kami.

at sa gwapo ako at marunong kumanta saka mag-gitara kaya nga marami akong tagahanga eh hindi pa ako artista niyan.

Napagawi ang tingin ko kay Hannah at masaya siyang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya ngumiti din ako. Hindi ba halata na gusto ko si Hannah?

Napaiwas ako nang tingin nang napatingin siya sa akin shit naman Ang bilis tuloy nang tibok nang puso ko.

bigla akong kinalabit ni Tyler lumingon ako sa kanya. nakangisi siya tss.

"What's with that face?"

"nothing i saw it"

"what?"

"you're inlove with Hannah?"

"no"

umiling si Tyler ang gago talaga neto kainis oo na gusto ko na si Hannah simula pa noon kaya wala akong girlfriend dahil kay Hannah. she's my first love and i hope she will be my last too.

Habang nagtu-turo si tabatchoy sa harap syempre hindi ako nakikinig hahaha pasaway ako eh. Hindi ko matanggal ang tingin ko kay Hannah. seryoso itong nakikinig kay Prof.

"DEL RIO"

Napaigtad ako nang sumigaw si tabatchoy napatingin ako sa kanya at pinipigilan ko Ang pag-tawa ko dahil sa mukha Ni Prof hanep lumalaki na Naman butas nang ilong niya .

"you're not listening lumabas ka Kung ayaw mong makinig sa lecture ko"

gusto ko siyang irapan Ang arte arte mong Barbie ka kainis. nakita Kong natatawa si Tyler sinamaan ko siya nang tingin.

"same with you Mr Vasquez, lumabas nga Kayo nang kaibigan mo Ang sakit niyo sa ulo my god"

pinaypayan nito Ang sarili Hindi Naman mainit OA talaga ang baklang 'to.

"labas tayo 'tol"

nagtawanan kami Ni Tyler habang naglalakad sa hallway bitter talaga sa Amin Ang tabatchoy na Yun.

"napansin ko kanina Ang titig mo Kay Hannah 'tol. do you like her?"

nawala ang ngiti ko dahil sa tanong ni Tyler.

"Hindi ko gusto si Hannah Hindi ako pumapatol sa tropa"

ngumisi siya at tinapik ako sa balikat. Hindi ko sinabi sa kanya na gusto ko din si Hannah kasi pakiramdam ko gusto niya rin si Hannah syempre ayokong masira ung pagkakaibigan naming tatlo. pareho silang importante sa akin at para sa akin mas importante Ang pagkakaibigan kesa sa ano pa man.

CHAPTER 2

VERNON

nang mag-uwian na hinintay namin ni Tyler si Hannah sa gate ihahatid namin siya pauwi. Yung Hilux ko ang sasakyan namin ngayon next week Ford Naman Ni Tyler Hindi namin hinahayaan na magmaneho si Hannah Hindi pa Kasi siya marunong Kaya nangako kami Kay Tito Ricardo na kami na bahala kay Hannah.

napangiti ako nang Makita namin siyang kasama ang bakla niyang kaibigan.

"ay 'te Ang taray mo talaga may dalawa Kang prince charming"

natawa si Hannah sa sinabi ni paulina(Paulo realname Niya).

"maswerte Lang sa mga kababata ko"

nagpaalam na si Paulina sa Amin habang kaming tatlo naglalakad na patungo sa kotse ko.

"kayong dalawa talaga Ang kulit niyo Kaya Kayo laging napag-initan Ni Prof santos eh"

"si Vernon ang sisihin mo Hannah nakatitig Kasi sayo buong klase"

namula si Hannah sa sinabi Ni Tyler habang ako umiwas nang tingin tss bakit Niya sinabi Yun? kainis Naman.

"V-vernon Naman eh"

"h-hindi ako sayo nakatitig ah"

"eh kanino? kay Clarisse?"

napakamot ako sa batok sa sinabi Niya si Clarisse Yung Hindi Niya kasundo sa classroom Parang rival sila parati sa exams and sa pageant sa school.

"h-hindi ah"

"eh bakit nauutal ka?"

sinamaan Niya ako nang tingin lumunok ako at umiwas nang tingin Ang gagong si Tyler tawa Lang nang tawa.

"oo na ikaw na Ang tinitigan ko"