...

4 views

Quo Vadis Domini?
“A common mistake we make is that we look for God in places where we ourselves wish to find him, yet even in the physical reality this is a complete failure. For example, if you lost your car keys, you would not search where you want to search, you would search where you must in order to find them.”
― Criss Jami, Killosophy


Sa tinagal-tagal ko sa mundong ito... sa loob ng dalawang dekada at isang taon... naitanong ko minsan sa sarili ko kung saan ko ba pwedeng mahanap ang hinahanap ko? Naranasan mo na bang maramdaman na may kulang sa loob mo? Na parang kahit makuha mo ang lahat ng bagay na gusto mo eh hindi nito mapunan yung naghahabol na damdaming naghuhumiyaw na “Kulang! Kulang! Natutunan kong isantabi ang mga tanong na ito sa maikling panahon pero kada mahihimbing ako sa gabi o uuwi galing trabaho o may pinuntahan at mapapatanaw ako sa di kalayuan eh kakatok sa utak ko ang mga tanong na matagal ko nang isinantabi sa isang bahagi ng isip ko.
Marahil naapektuhan ako ng nagdaang Triduo kaya’t naisipan kong isulat ito, lalo’t para sa akin eh napakahalagang araw niyon. Hindi naman lingid sa mga kakilala ko na matagal na akong naglilingkod sa Simbahan bilang isang Altar Server, at parte ng pinakamahahalagang events ang Holy Thursday, Good Friday at Black Saturday sa mga gawain ko... halos ata kalahati ng buhay ko eh inilaan ko sa paglilingkod sa “Diyos”. Iba ang epek sakin ng mga araw na iyan lalo na nung hindi pa ako in lined sa Simbahan at noong bago pa ako sa paglilingkod. Doon ko kasi naramdaman na napupunan yung “Kakulangan” na nararamdaman ko pero...