...

6 views

Chapter 1:
Sabi nila isa akong magandang nilalang.Siyempre kapag sinabing maganda kasama na doon ang kaseksihan.

Ako nga pala si Arra De Verra, labing walong taong gulang at isang estudyante sa Senior High ako ay nasa ika- labingdalawang baitang o Grade 12 kung tawagin.Ako ay kilala ng lahat dahil sa aking napakagandang record.At isa sa kinaiinisan ng lahat dahil sa aking kapasawayan.Isa akong mataray at palabang nilalang.

For your information marami na akong nagawang kalokohan.Gaya ng nambugbog ng kaklase ayon napunta sa ospital na comatose,nagsunog ng classroom diretso kickout, nagcucutting classes,sumasagot ng pabalang sa mga teachers,bastos,inggrata at higit sa lahat muntik ng makulong dahil muntik na akong makapatay ng kapwa ko, kung wala lang pumigil sa akin.

At hindi na rin mawawala sa akin ang pagkakaroon ng palakol which is 60,65,at ang mataas ay ang 75.Palipat lipat na nga ako ng school kasi walang tumatanggap sa akin dahil sa mga kaingutan ko.Sila Mom and Dad hinahanapan ako ng school, sobrang mahal  nila ako pero  hindi ko manlang magawa na masuklian ang pagmamahal nila sa akin.

May mga naging kaibigan naman ako yun nga lang puro plastik.Kaya ayun iniwan ko, ikaw ba naman tirahin na patalikod?Papayag ba kayo?Siyempre hindi.May mga naging jowa din ako yun nga lang manloloko.Pera ko lang ang habol nila.Kaya  nakipagbreak ako sa kanila.Yes,nila kasi madami akong naging jowa no, yun ay dahil sa maganda  at mayaman ako.Maganda nga ako pero malas naman sa pag-ibig.Kaya naman hindi na ako naniniwala na may "FOREVER" kasi magbebreak din kayo,itaga niyo yan sa bato!!

Dahil sa mga kalokohan ko hindi na ako tinatanggap ng mga University na pinapasukan ko.Iyon ay dahil sa mga papansin na record na 'yan.Mga duwag kasi sila e, kaya ayaw nila ako papasukin.Ganun na ba talaga ako katapang para hindi nila tanggapin.

Hanggang sa isang araw may tumawag sa amin at sinabi na tanggap ako sa University nila.Alam niyo ba kung anong name ng University?

Ang name niyan nakakasunog, Heaven University kasi e.Iyon nga lang puro lalaki ang mga estudyante maski teachers,at principal o dean na lang para maganda.

Naawa ako sa sarili ko kasi hindi ko naman ineexpect na ganoon pala ang papasukan ko.Wala na rin naman kasi akong choice kasi my parents agree with them.And iyon lang ang kaisa-isang tumanggap sa akin e, dahil sa mga kaingutan ko.Siguro karma ko rin yan.

Ano na kaya ang kapalaran ko?

'Arra POV'

Ngayon ang araw ng pag-alis ko sa bahay.Oo,aalis na ako at magdodorm kasi malayo din ang University na papasukan ko.Para di na rin sayang sa pera at hindi na mapagod pa sa kakabiyahe.

Dinala ko ang mga gamit ko pantulog,pambahay,at pati panlakad.Nagdala na rin ako ng hygiene kit gaya ng sumusunod:sabon, sepilyo,rexona, toothpaste,lotion ,hand sanitizer at marami pang iba.

Nalulungkot ako kasi aalis na ako sa bahay at mamimiss ko sina Mom,Dad and siyempre ang mga Yaya ko kasi sila lang ang nagtitiyaga sa maganda kung ugali.

Malungkot ako na umalis ng bahay at nagbiyahe na.Hinatid ako ng parents ko at halos isang oras din ang tagal non.Nang makarating ako sa Heaven University namangha ako kasi sa labas pa lang ang ganda-ganda parang University ng Korea.Ganourn! Pero napawi din iyon nong pumasok ako.Kasi sobrang dami ng basura, hindi nga maintindihan kung school ba talaga iyong pinasukan ko o palengke? Napakapanget,parang hindi man lang naglinis ng isang taon dahil sa dami ng basura at sobrang baho pa.

May mga estudiyante na nasa labas ng room.At napakasama ng tingin ang bungad sa akin.Para ka nilang kakainin ng buhay kung hayop sila at matutunaw ka pa sa katitig nila.Siguro,nagandahan sila sa aking Beautiful face, charing!

Pumunta kami sa Dean's Office para ipakilala ako at maturo na din ang bagong room ko na aking papasukan. Mabait naman ang dean, e, ang tanong yung mga lalaki kaya?Tinuro niya ang room ko at sila Mommy and Daddy naman ay kinailangan ng umalis.Bago sila nagsialisan mahigpit ko silang niyakap kasi ngayon lang ako magdodorm at ngayon ko sila hindi makakasama ng matagal.Iniwan nila ang gamit ko.Sinabi ko naman kasi sa kanila na ako na lang ang maglalagay sa dorm kasi balak sana nilang sila na lang ang maglagay.Siyempre, nakaramdam din ako ng hiya no.Ayos lang naman sa akin na ako ang maglalagay tutal malapit lang naman ang dorm ko sa University na papasukan ko,magkaharap lang naman kasi sila.Iyon nga lang mga impaktang babae ang kasama ko pero ayos lang kaysa naman mga gunggong na lalaki.Duhh!

Matapos umalis ang parents ko tinour muna ako ng dean.Oo,dean kasi bihira lang naman na babae ang pumasok sa University at matagal na daw iyon.

Naglibot libot ako sa University siyempre kasama ko si Dean siya nagtotour sakin e.

Ngayon ko napagtanto na mukhang hindi ko kakayanin na pumasok dito.Marami kasing mga lalaki umabot na sa 5,000 at ako lang ang babae.May mga nagsusuntukan,nagsisipaan,rambulan.
Iyong mga teacher walang nagawa kasi maski sila nasisikmuraan at iyong iba naman ay sumasali sa pustahan.

"₱1,000 bayad ko kapag nanalo ang manok mo, pero kapag talo ₱5,000 naman iyong sa'yo,"rinig kong sabi ng lalaki.

Nagsipag agreehan naman iyong iba kasi dahil sa narinig na pera.

Kanya-kanya sila ng pambato at todo cheer.

Iyong ibang estudiyante naman ay masamang tumititig sa akin.Para akong kakainin ng buhay dahil sa pagtitig nila.Pero ako, hindi nagpakita ng takot kasi ayoko matalo sa kanila no.At gusto kong patunayan na matapang ako at kaya kong makipagsabayan sa kanila.

Natapos na ang pagtotour namin ni dean at matagal tagal din iyon.Uwian na kaya, nagpaalam na ako sa kaniya.

At pagdating sa dorm agad na nagbulungan ang mga babae na nakikirenta lang din naman doon.Iyong iba may pagtaas-taas pa ng kilay, e,  wala namang kilay.At ako lang naman ang may magandang kilay sa kanila.Pero sorry sila matigas ako,no.Kung nag taray sila ako irap para ganti at kwits na kami.

Nakita ko na kumakain na sila at may nag-imbita naman sa akin kahit papaano pero matigas ang ulo ko, hindi ako kumain.

Inayos ko na lang ang gamit ko.At naghilamos,nagbihis ng pantulog.At pagkatapos ay natulog pero bago iyon nagmuni-muni muna ako kung ano ng gagawin ko bukas.Sapagkat bukas na ang simula ng pasok ko.At hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa kakaisip.