...

5 views

Ruthless (Prolouge)
Prolouge



Mahigpit ang hawak ko sa braso ni Ethan habang yakap yakap niya ako patalikod. Nandito kami sa bahay nila at kasalukuyan kaming nakaupo sa gilid ng pool habang malayang nakababad ang mga paa namin sa tubig.

"Bat ang tagal ni Ian?" nakasimangot kong tanong at bahagya siyang nilingon. Nakapatong ang baba niya sa balikat ko.

Hindi siya sumagot. Nanatili siyang tahimik at ramdam kong mas humigpit lang ang yakap niya sa bewang ko.

Nasan si Ian? Sabi niya kukuha lang siya ng pagkain sa loob. Ewan ko ba kung bakit dito pa kami kakain kung pwede naman sanang sa labas nalang. Katatapos lang ng graduation namin last week at hindi ko na mabilang kung ilang celebration na ba ang ginawa namin.

"Hey... bat ba di ka nagsasalita?" kunwari ay patampo ko ng tanong.

Hinuli ko ang mga daliri niya at sinimulang laruin.

"I'm nervous." he said with a voice trembling.

What was that? Bat nanginginig ang boses niya?

"Ethan, what's wrong? Okay ka lang ba? May sakit ka ba?"

Hinipo ko ang noo niya pero hindi naman siya mainit.

"I have a question Lian." sabi niyang napakaseryoso.

Diretso lang ang tingin niya sa tubig pero ramdam ko parin ang mainit niyang hininga na tumatama sa gilid ng tenga ko sa tuwing nagsasalita siya.

"Say it."

Gumalaw siya para umayos ng upo. Mas lalo niyang inilapit ang katawan niya sa akin at mas lalo lang ako naging komportable sa pagkakasandal.

"Pano kung yayain ka ng taong mahal mong magpakasal?"

I smiled. Yon ba ang iniisip niya?

"Diba ikaw yon?" sagot kong nadugtungan pa ng tawa.

"Lian. Handa ka na bang magkapamilya?" tanong niya ulit.

"Hmmmm. Hindi naman kailangang paghandaan yon e. Kung kaya na ng dalawang tao, bakit hindi?"

At tumahimik na naman siya. It took some minutes bago siya nagsalita ulit.

"Ayokong mapunta ka sa iba. Ayokong may ibang lalaking yayakap sayo ng ganito. Ayokong may ibang lalaking lalapit sayo ng ganito kalapit. Ayokong makita kang masaya pero sa piling na ng iba. Ayokong makita kang masaya pero hindi na ako ang dahilan."

For some reason, nagsimula na akong mag-isip kung bakit bigla ay sinasabi niya ang mga ito. Aalis ba siya? Pupunta ba siya sa malayo? Iiwan niya ba ako?

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at umayos ng upo. Hindi niya ako pinigilan kaya humarap ako sa kanya.

"What was that all about? May gusto ka bang sabihin sa akin?" kinakabahan ko ng tanong.

Hindi ko alam kung pansin niya na ba ang nanginginig kong boses na badya ng luha kong unti-unti ng namumuo. Mabuti nalang at madilim ang paligid. Kunting liwanag lang ang kumikislap dahil sa reflection ng ilaw na bahagyang tumatama sa tubig.

"Magsalita ka naman!" sigaw ko sabay hampas sa braso niya. Basta lang kasi siyang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya.

"Fine. Ako rin. Ayokong makita ka na may kasamang ibang babae. Sino namang may gusto non diba? Bat ka ba nagkakaganyan? Iiwan mo ba ako? Aalis ka ba? Kaya kung ano-ano ng pinagsasabi mo? Ethan naman e, ano ba kasi?"

Napaiyak na ako ng tuluyan. Damn this man. Kanina parang siya ang kinakabahan, bakit ngayon ako ang nakakaramdam ng kaba at the same time takot? Bat feeling ko may malaking posibilities na bigla na lang siyang mawawala sa akin?

Nang makita niyang umiiyak na ako ay saka siya parang binuhusan ng tubig. Lumapit siya sa akin at pinunasan ang luha kong ngayon ay nag-uunahan na sa pag-agos.

"Shhhh. I told you I don't wanna see you crying right? Ano ka ba? Hindi ako mawawala. Hindi ako aalis. Kung aalis man ako, kasama ka. Kung mawawala man ako, magkasama tayong mawawala." ani niya saka ako niyakap ng mahigpit.

I hugged him back. Tight. Sobrang higpit na ayoko ng pakawalan pa siya.

"Ikaw kasi e, kung ano ano ang sinasabi mo, feeling ko tuloy anumang oras iiwan mo na ako."

"That will never happen."

"Promise?"

"I swear ."

We stayed at that position siguro matagal rin. Now I wonder nasan na talaga si Ian. Natabunan na ba siya ng pagkain?

"Do you love me Lian?" tanong ulit ni Ethan habang hinihimas ang tuktok ng ulo ko.

"Tinatanong pa ba yon?" nakapout kong sagot. "I love you. So much."

"Will you marry me?"

Natawa ako. Iba talaga ang tama ngayon ng boyfriend ko. Matapos akong takutin kanina heto't pinakikilig ako sa mga joke niya.

"Bat ka tumatawa diyan?"

Kumalas siya sa pagkakayap saka biglang tumayo. Naiwan naman akong naguguluhan dahil sa mabilis niyang mga kilos. Inabot niya sa akin ang kamay niya para tulungan rin akong tumayo. At ng magkaharap na kami, biglang umilaw ang bawat dulo ng pool. Nagkalat ang mga candle lights at petals sa bawat daanan.

Napakaganda. Ilang beses akong kumurap para alamin kung totoo ba lahat ng nakikita ko.

Nagulat man at nalilito ay hindi ko parin maiwasang isipin kung paano nangyari ang lahat ng nakikita ko ngayon. Dumating kaming wala ang mga ito, at kanina pa kami ni Ethan dito. Saan lahat nanggaling ang mga ito? Si Ian ba may pakana nito? Sinadya ba ni Ethan na sabihin lahat ng yon para aliwin ang utak ko at di ko mamalayan ang ginawa nilang set up?

"Lian Martinez." kapagka ay sabi ni Ethan at lumuhod sa harapan ko.

"Baby... You know how much I love you. Hindi ko alam kung alam mo na bang kinaibigan ko talaga si Ian nong high school dahil sayo. I want to be close to you, how I badly want to have your attention back then. Sa tuwing naririnig ko ang ibang lalaki na pinupuri ka nila sa tuwing napapadaan ka, pakiramdam ko gusto kitang yakapin at itago para walang ibang makakita pa sayo. And then Ian, sa loob ng halos tatlong taon na itinago ko ang nararamdaman ko, nalaman niya parin. I thought that was the end. Akala ko magagalit siya sa akin. But then siya pa nagbigay ng lakas ng loob sa akin para ipaglaban ko anuman ang nararamdaman ko para sayo. Lian hindi ko alam kung paano ko to sasabihin pero gusto kong malaman mo na lahat ng sinasabi ko sayo ngayon ay totoo. That I am sure about this, I am sure about you. I want to spend the rest day of my life with you. Lian, be my wife."

Speechless.

Wala akong masabi.

Ayaw mag sink in sa utak ko ang lahat ng nangyayari.

Ayaw mag sink in sa utak ko ang lahat ng mga narinig ko.

Will you marry me.

Be my wife.

Ilang minuto na pero di parin ako sumasagot. Nakatingin lang ako sa kanya na nakaluhod sa harapan ko at may dalang kahon ng singsing.

Lahat ba ng tanong niya kanina ay totoo? Damn. Hindi ko to napaghandaan!

"Ethan..."

"Be my wife."

Be my wife.

Be my wife.

Katagang paulit ulit na sumisigaw sa isip ko.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ba't napakaaga pa? Kakagraduate lang namin. Dapat ay ayusin muna namin ang kanya kanya naming career.

"Ethan, why?" naninigas kong tanong.

Bigla siyang natigilan. Now he knows that I have the doubts to say yes. Tumayo siya at akma akong lalapitan pero umatras ako.

Natatakot ako. Yan ang tamang sagot.

"Why "why"? May mali ba Lian? Anong hindi tama sa mga sinabi ko? Hindi mo ba nagustuhan lahat ng to?" sabi niyang itinuro pa ang paligid ng pool. Bakas ko sa mukha at boses niya ang lungkot. And damn, nasasaktan ako.

"G-gusto ko. Nagustuhan ko-"

"Then why? I should be the one asking you why."

He's crying. He's literally crying. Now I want to hug him at sabihin sa kanyang gusto ko lahat at mahal ko siya. Pero pano ko ipapaliwanag sa kanya na masyado pang maaga ang lahat?

"Ethan, I'm sorry. Masyado pang maaga. Hindi ko pa kaya."

At sa simpleng sagot ko, nalaglag ang balikat niya at nabitawan niya ang singsing. Lumikha ito ng ingay at unti unting gumulong hanggang nahulog sa tubig.

"Hindi pa tayo, buong buhay ko inihanda ko na para sayo Lian. Pero ang pagkakamali ko, sa dami ng bagay na dapat kong paghandaan, ito pa ang hindi ko pinaghandaan." he said and walked away.

Naiiwan akong umiiyak. Iyak na naging hagulgol. Ni hindi ko nagawang sundan siya ng tingin.

Napaupo ulit ako at lumuluhang muling pinagmasdan ang ganda ng paligid. And there I saw Ian, nakatayo sa isang gilid at di rin mabasa ang expression ng mukha niya. Either he's hurt for me, or he's hurt for Ethan.


© frianeza