...

4 views

Ruthless (Chapter 1)
Chapter 1 (Reunion)

"Lian!"

"Hoy Lian!"

"Huh?"

Dilat ang mga matang tanong ko sa mga taong nasa harapan ko. Nasa isang party ako ngayon kasama ang kakambal ko at sa lahat ng taong nandito, ako nalang ata ang hindi pa nakainom. Isa itong event na inorganize pa ng batch mates namin noong college. Reunion narin kumbaga.

Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon kong dumalo o kung tama bang manatili pa ako rito gayong hindi na ako natutuwa sa mga nakikita ko.

"Tinatanong ka namin kung okay ka lang ba?!" Pasigaw nang sabi ni Julianne dahil na rin sa ingay ng tugtog na umaalingawngaw sa paligid.

"I'm good. Syempre naman." sagot kong ngumiti pa ng pilit.

Buong ingat ang ginagawa kong wag mapako ang tingin sa gawing banda ni Ethan na nakaupo sa gilid habang may katabing magandang babae. Nakasandal ang ulo ng babae sa mga balikat niya na animo'y wala na sa huwisyo dahil sa alak pero halata namang hindi pa natatamaan.

Girlfriend.

Yan ang pakilala niya kay Mia daw kanina sa aming lahat.

"Talaga ba?" Natatawang singit naman ni Ian.

Pinandilatan ko ang kapatid ko. Nakangiting napailing naman siya at sumulyap kay Ethan.

I dunno kung tama ba ang nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na bahagya akong tinititigan ni Ethan na tahimik lang na nakasandal sa gilid.

Ian is Ethan's bestfriend since then. Dahil narin sa kanya kaya kami nagkakilala ni Ethan. Nagtapos silang pareho sa kursong Medicine habang ako naman, Law. They were very close na sa sobrang tagal na hindi kami nagkita ay hindi ata naputol ang connection nilang dalawa. I didn't hesitate to ask Ian though dahil ayokong isipin niya na hanggang ngayon ay interesado parin ako sa mga balitang may patungkol sa kanya.

Second year college kami ng ligawan ako ni Ethan. Hindi rin naman umayaw si Ian dahil siya pa mismo ang nagtulak kay Ethan na ligawan ako. At first akala ko biro lang ang lahat. Akala ko niligawan niya lang ako dahil sa kagustuhan ng kambal ko. Pero nong nakita kong sincere siya sa lahat ng ginagawa niyang panliligaw sa akin, sinagot ko siya ng walang pag-aalinlangan.

At naging kami.

Isang araw na umabot sa isang buwan hanggang naging isang taon.

Isang taon na mas tumibay pa sa dalawang taon.

Pero hanggang dalawang taon lang pala ang lahat.

At naisin ko mang dugtungan pa ang dalawang taong yon, alam kong hindi na pwede.

Dahil after 6 years na hindi namin pagkikita, heto siya sa harapan ko ngayon at may mahal ng bago.

"May dahilan ba para hindi ako maging okay?" Medyo pikon ko ng tanong kay Ian.

I got his point. And it sounds annoying lalo't hindi lang kaming dalawa ang tao rito para asarin niya ako.

"Sounds defensive."

Sabay kaming napalingon sa may-ari ng matigas na boses na nagsalita. Pagkatapos niyang ipakilala kanina ang girlfriend niya, ngayon lang ulit siya nagsalita.

"Excuse me? Which part?" Tanong ko.

Kung hindi ako nagkakamali, alam kong sa akin niya sinabi yon.

He leaned over para abutin ang baso ng wine sa table, ininom niya yon at muling bumalik sa pagkakasandal. Hindi ko maiwasang mapatingin sa katabi niyang muling yumakap sa mga braso niya na akala mo'y mawawala nalang bigla si Ethan sa tabi niya kapag hindi niya yon hinawakan.

"All of it." Mahinahon niyang sagot makalaunan.

I don't know what to say this time. Now I need Ian, I look at him at mukhang nakuha niya naman ang gusto kong sabihin.

"By the way Ethan, are you staying here for good?" Thanks to that question.

"Yup. I'm looking forward to manage the hospital of my grandfather. Wala narin kasing maiiwan, they're all busy having their families." he answered calmly referring to his siblings.

Yeah, I used to call them ate and kuya before. Sa pagkakaalam ko, ate Jhanna already settled Abroad with her husband and their two kids habang si kuya Zeke naman ay nasa Hongkong para sa honeymoon rin nila ng asawa niya. Lahat sila ay nakapagtapos ng Medicine pero base sa narinig ko ngayon, si Ethan ata ang mapag-iiwanan ng Hospital ng kanyang lolo na siya na ring naging family business nila.

"That's good. How about you Mia? Are you staying here na rin ba with Ethan?" singit ulit ni Juliane.

Sa lahat ng tao rito, siya lang ata ang may pakialam kay Mia.

"I want her to stay. Pero hindi pwede. Kailangan rin siya ng daddy niya sa New York." Ethan answered.

"Hmmm. Nakakasad. Kailan naman balik mo sa New York?" tanong ulit ni Juliane.

"Tomorrow. Ihahatid na ako bukas ni Ethan sa airport." mahinhing sagot ni Mia.

"Bat naman ang aga? Babalik ka na agad? Pano naman si Ethan?"

Juliane is starting. Nagsisimula na ang kadaldalan niya.
Ewan ko nga kung bakit hanggang ngayon natitiis ni Ian ito samantalang college pa lang kami ay nililigawan na siya ng kapatid ko pero hanggang ngayon di niya parin sinasagot.

"As long as I want to stay here, hindi talaga pwede. Pero alam naman na ni Ethan na babalik ako agad, napag-usapan na namin."

Lahat nakikinig. Naiinis man ako ay di ko maipagkakailang maganda lahat kay Mia. Mula katawan, hugis ng mukha at maging sa paraan ng pananalita niya ay walang lalaki ang hindi maaagaw ang atensyon. She's a perfect package. No wonder Ethan fell in love with her that fast.

"What a cute couple. Ikaw Lian, wala ka paring boyfriend?" Kapagkwan ay singit naman ni Josh, kaklase rin naming bakla na ngayon ay isa nang professional fashion designer.

What was the question again? Bat sakin na naman napunta ang usapan?

"Pardon?" tanging nasagot ko. Pero parang mali ata ang naisagot ko.

Hindi ko alam kung paano sasagutin. Truth slap.

"Kasi look at Ethan, masaya na siya with Mia, e ikaw bat wala ka paring ipinakikilala sa amin? It's been 6 years at hanggang ngayon single ka parin."

I'm 26. Bata pa kahit papaano para magmadali. May masama ba sa edad ko?

Pero ano nga ba talaga ang dahilan ko?

"She's busy. Sa sobrang busy ay nakakalimutan na ata ang puso." Ian interrupted.

"E bakit si Ethan busy rin naman pero nakahanap siya ng isang Mia." panunukso ni Juliane na medyo kinilig pa.

"I'm not that busy. Kung busy ako, sana di ko naibigay lahat ng oras ko kay Mia."

Nagsigawan ang lahat sa huling sinabi ni Ethan. Habang ako, di ko maintindihan kung na ha-hot seat ba ako o sadyang napaglalaruan lang ng tadhana.

That should be me.

Pero kasalanan ko rin naman kung bakit ang ako sana na kasama niya ay naging si Mia na ngayon.

And here I am, simula ng makita ko silang magkasama mula kanina, I always ended up hoping na sana ako nalang si Mia.

Hindi ko maitatago.

Hindi ko kayang itago.

Hindi ko kasi inisip na sa muling pagkikita namin ay sa ganito pang pagkakataon. And worse, may pinakilala pa siyang girlfriend.

Hindi ba alam ni Ian ang tungkol dito? Bat di niya man lang sinabi sa akin ng napaghandaan ko?

"You're busy Ethan. But after all, may oras ka parin sa akin. Thank you by the way."

They keep on cheering to this couple na nasa harapan namin. May pumupuri. Some are giving their advance congratulations for their future wedding daw. Maraming natutuwa.

No, lahat ay tuwang tuwa para sa kanila.

Ako lang ata ang hindi.

Sana pala uminom nalang ako. So that I can have the courage to say anything that I want to say.

Gano nga ba katotoo na kapag lasing ang isang tao ay nawawalan ka na ng pakialam sa mundo? Na nasasabi mo lahat ng gusto mong sabihin ng hindi iniisip ang sasabihin ng ibang tao.

Andami kong gustong itanong.

Gaya ng. ..

Mahal mo pa ba ako?

Kahit alam kong hindi na dahil si Mia na ang mahal mo.

Mahal mo ba siya?

Kahit alam kong oo dahil kitang kita sa mga mata mo.

Mga pangako mo ba sa akin noon ay pinangako mo rin sa kanya ngayon?

And damn! I can't even look at him, ang tanungin pa kaya siya?

Ethan.

You're my greatest regret.

Mahigpit ang hawak ko sa braso ni Ethan habang yakap yakap niya ako patalikod. Nandito kami sa bahay nila at kasalukuyan kaming nakaupo sa gilid ng pool habang malayang nakababad ang mga paa namin sa tubig.

"Bat ang tagal ni Ian?" nakasimangot kong tanong at bahagya siyang nilingon. Nakapatong ang baba niya sa balikat ko.

Hindi siya sumagot. Nanatili siyang tahimik at ramdam kong mas humigpit lang ang yakap niya sa bewang ko.

Nasan si Ian? Sabi niya kukuha lang siya ng pagkain sa loob. Ewan ko ba kung bakit dito pa kami kakain kung pwede naman sanang sa labas nalang. Katatapos lang ng graduation namin last week at hindi ko na mabilang kung ilang celebration na ba ang ginawa namin.

"Hey... bat ba di ka nagsasalita?" kunwari ay patampo ko ng tanong.

Hinuli ko ang mga daliri niya at sinimulang laruin.

"I'm nervous." he said with a voice trembling.

What was that? Bat nanginginig ang boses niya?

"Ethan, what's wrong? Okay ka lang ba? May sakit ka ba?"

Hinipo ko ang noo niya pero hindi naman siya mainit.

"I have a question Lian." sabi niyang napakaseryoso.

Diretso lang ang tingin niya sa tubig pero ramdam ko parin ang mainit niyang hininga na tumatama sa gilid ng tenga ko sa tuwing nagsasalita siya.

"Say it."

Gumalaw siya para umayos ng upo. Mas lalo niyang inilapit ang katawan niya sa akin at mas lalo lang ako naging komportable sa pagkakasandal.

"Pano kung yayain ka ng taong mahal mong magpakasal?"

I smiled. Yon ba ang iniisip niya?

"Diba ikaw yon?" sagot kong nadugtungan pa ng tawa.

"Lian. Handa ka na bang magkapamilya?" tanong niya ulit.

"Hmmmm. Hindi naman kailangang paghandaan yon e. Kung kaya na ng dalawang tao, bakit hindi?"

At tumahimik na naman siya. It took some minutes bago siya nagsalita ulit.

"Ayokong mapunta ka sa iba. Ayokong may ibang lalaking yayakap sayo ng ganito. Ayokong may ibang lalaking lalapit sayo ng ganito kalapit. Ayokong makita kang masaya pero sa piling na ng iba. Ayokong makita kang masaya pero hindi na ako ang dahilan."

For some reason, nagsimula na akong mag-isip kung bakit bigla ay sinasabi niya ang mga ito. Aalis ba siya? Pupunta ba siya sa malayo? Iiwan niya ba ako?

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at umayos ng upo. Hindi niya ako pinigilan kaya humarap ako sa kanya.

"What was that all about? May gusto ka bang sabihin sa akin?" kinakabahan ko ng tanong.

Hindi ko alam kung pansin niya na ba ang nanginginig kong boses na badya ng luha kong unti-unti ng namumuo. Mabuti nalang at madilim ang paligid. Kunting liwanag lang ang kumikislap dahil sa reflection ng ilaw na bahagyang tumatama sa tubig.

"Magsalita ka naman!" sigaw ko sabay hampas sa braso niya. Basta lang kasi siyang nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya.

"Fine. Ako rin. Ayokong makita ka na may kasamang ibang babae. Sino namang may gusto non diba? Bat ka ba nagkakaganyan? Iiwan mo ba ako? Aalis ka ba? Kaya kung ano-ano ng pinagsasabi mo? Ethan naman e, ano ba kasi?"

Napaiyak na ako ng tuluyan. Damn this man. Kanina parang siya ang kinakabahan, bakit ngayon ako ang nakakaramdam ng kaba at the same time takot? Bat feeling ko may malaking posibilities na bigla na lang siyang mawawala sa akin?

Nang makita niyang umiiyak na ako ay saka siya parang binuhusan ng tubig. Lumapit siya sa akin at pinunasan ang luha kong ngayon ay nag-uunahan na sa pag-agos.

"Shhhh. I told you I don't wanna see you crying right? Ano ka ba? Hindi ako mawawala. Hindi ako aalis. Kung aalis man ako, kasama ka. Kung mawawala man ako, magkasama tayong mawawala." ani niya saka ako niyakap ng mahigpit.

I hugged him back. Tight. Sobrang higpit na ayoko ng pakawalan pa siya.

"Ikaw kasi e, kung ano ano ang sinasabi mo, feeling ko tuloy anumang oras iiwan mo na ako."

"That will never happen."

"Promise?"

"I swear."

We stayed at that position siguro matagal rin. Now I wonder nasan na talaga si Ian. Natabunan na ba siya ng pagkain?

"Do you love me Lian?" tanong ulit ni Ethan habang hinihimas ang tuktok ng ulo ko.

"Tinatanong pa ba yon?" nakapout kong sagot. "I love you. So much."

"Will you marry me?"

Natawa ako. Iba talaga ang tama ngayon ng boyfriend ko. Matapos akong takutin kanina heto't pinakikilig ako sa mga joke niya.

"Bat ka tumatawa diyan?"

Kumalas siya sa pagkakayap saka biglang tumayo. Naiwan naman akong naguguluhan dahil sa mabilis niyang mga kilos. Inabot niya sa akin ang kamay niya para tulungan rin akong tumayo. At ng magkaharap na kami, biglang umilaw ang bawat dulo ng pool. Nagkalat ang mga candle lights at petals sa bawat daanan.

Napakaganda. Ilang beses akong kumurap para alamin kung totoo ba lahat ng nakikita ko.

Nagulat man at nalilito ay hindi ko parin maiwasang isipin kung paano nangyari ang lahat ng nakikita ko ngayon. Dumating kaming wala ang mga ito, at kanina pa kami ni Ethan dito. Saan lahat nanggaling ang mga ito? Si Ian ba may pakana nito? Sinadya ba ni Ethan na sabihin lahat ng yon para aliwin ang utak ko at di ko mamalayan ang ginawa nilang set up?

"Lian Martinez." kapagka ay sabi ni Ethan at lumuhod sa harapan ko.

"You know how much I love you. Hindi ko alam kung alam mo na bang kinaibigan ko talaga si Ian nong high school dahil sayo. I want to be close to you, how I badly want to have your attention back then. Sa tuwing naririnig ko ang ibang lalaki na pinupuri ka nila sa tuwing napapadaan ka, pakiramdam ko gusto kitang yakapin at itago para walang ibang makakita pa sayo. And then Ian, sa loob ng halos tatlong taon na itinago ko ang nararamdaman ko, nalaman niya parin. I thought that was the end. Akala ko magagalit siya sa akin. But then siya pa nagbigay ng lakas ng loob sa akin para ipaglaban ko anuman ang nararamdaman ko para sayo. Lian hindi ko alam kung paano ko to sasabihin pero gusto kong malaman mo na lahat ng sinasabi ko sayo ngayon ay totoo. That I am sure about this, I am sure about you. I want to spend the rest day of my life with you. Lian, be my wife."

Speechless.

Wala akong masabi.

Ayaw mag sink in sa utak ko ang lahat ng nangyayari.

Ayaw mag sink in sa utak ko ang lahat ng mga narinig ko.

Will you marry me.

Be my wife.

Ilang minuto na pero di parin ako sumasagot. Nakatingin lang ako sa kanya na nakaluhod sa harapan ko at may dalang kahon ng singsing.

Lahat ba ng tanong niya kanina ay totoo? Damn. Hindi ko to napaghandaan!

"Ethan..."

"Be my wife."

Be my wife.

Be my wife.

Katagang paulit ulit na sumisigaw sa isip ko.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ba't napakaaga pa? Kakagraduate lang namin. Dapat ay ayusin muna namin ang kanya kanya naming career.

"Ethan, why?" naninigas kong tanong.

Bigla siyang natigilan. Now he knows that I have the doubts to say yes. Tumayo siya at akma akong lalapitan pero umatras ako.

Natatakot ako. Yan ang tamang sagot.

"Why "why"? May mali ba Lian? Anong hindi tama sa mga sinabi ko? Hindi mo ba nagustuhan lahat ng to?" sabi niyang itinuro pa ang paligid ng pool. Bakas ko sa mukha at boses niya ang lungkot. And damn, nasasaktan ako.

"G-gusto ko. Nagustuhan ko-"

"Then why? I should be the one asking you why."

He's crying. He's literally crying. Now I want to hug him at sabihin sa kanyang gusto ko lahat at mahal ko siya. Pero pano ko ipapaliwanag sa kanya na masyado pang maaga ang lahat?

"Ethan, I'm sorry. Masyado pang maaga. Hindi ko pa kaya."

At sa simpleng sagot ko, nalaglag ang balikat niya at nabitawan niya ang singsing. Lumikha ito ng ingay at unti unting gumulong hanggang nahulog sa tubig.

"Hindi pa tayo, buong buhay ko inihanda ko na para sayo Lian. Pero ang pagkakamali ko, sa dami ng bagay na dapat kong paghandaan, ito pa ang hindi ko pinaghandaan." he said and walked away.

Naiiwan akong umiiyak. Iyak na naging hagulgol. Ni hindi ko nagawang sundan siya ng tingin.

Napaupo ulit ako at lumuluhang muling pinagmasdan ang ganda ng paligid. And there I saw Ian, nakatayo sa isang gilid at di rin mabasa ang expression ng mukha niya. Either he's hurt for me, or he's hurt for Ethan.

Kringgggggggg

Pinindot ko ulit ang alarm clock ko na hindi ko alam kung ilang beses na bang tumunog.

I'm still lying on bed, dahil sa mga nangyari kagabi, hindi ko maiwasang maisip ulit ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Ethan.


© frianeza