...

3 views

Ruthless (Chapter 4)
Chapter 4 (Why?)

Kanina pa ako nakatingin sa harap ng salamin. Hindi ako sigurado kung ito na ba ang susuotin ko o kung magpapalit pa ba ako. I'm wearing a black dress na may kahabaang lampas tuhod. I don't usually wear short dresses, nakasanayaan ko ng magsuot ng damit lampas tuhod lalo na kapag lumalabas ng bahay.

Nakatulala ako ng biglang mag vibrate ang phone ko. Nakatanggap ako ng text message galing kay Ian.

Ian:

I'm sorry twiny hindi na kita nahintay, still have an urgent appointment. Papasundo nalang kita mayamaya just wait for my signal. Please, don't ever use the car. Sa hotel nalang tayo magkita, sabay na kami ni Ethan. See you there.

Napabuntong hininga ako. Why am I not allowed to use my car? Ako ang bumili non pero bat wala akong karapatang gamiton yon? Tsk. When it comes to driving, kahit kelan di sila nagtiwala sa akin.

And speaking of Ethan, pupunta ba talaga siya? Sa palaisipang magkikita ulit kami ngayon, parang ayaw ko nalang pumunta. Pero ang sama ko namang anak kung di ko sisiputin ang mommy at daddy. Halos dalawang buwan rin kaming hindi nagkita, gusto kasi nila don na kami magkita sa hotel. Ewan ko ba, pwede naman sanang umuwi muna sila dito sa bahay.

Pasado alas 8 na pero wala paring text si Ian. Sabi niya hintayin ko raw ang signal niya diba? Bat ang tagal? Anong oras ba ang dinner na to?

I tried to call mom pero ayaw niyang sagutin. Ganun rin ginawa ko kay dad pero wala parin. Pati si Ian out of coverage. What the hell? Asan ba sila?

Dali dali akong pumasok sa kwarto ni Ian at ginalugad ang susi ng sasakyan ko. Yes, itinago ni Ian ang susi ko pero alam niyang alam ko kung san niya nilagay yon, kaya siguro niya ako pinaalalahanan kanina. Kung bakit ba kasi hindi siya mahilig maglock ng kwarto, palibhasa wala kaming kasamang iba dito sa bahay.

When I found my key, patakbo na akong bumaba. My God, I miss driving. Huli akong nagmaneho disgrasya kong naibangga ang kotse ko sa gate ng bahay, hindi kasi ako marunong pano mag proper parking. Nang mapaayos ang kotse ko, di na nila ako pinayagang magdrive ulit. Baka daw kasi mas malala pa ang susunod na mangyari sakin kapag ipinagpilitan ko ang gusto ko.

"This is it." nakangiti kong sabi saka binuhay na ang makina. Inayos ko ang upo ko at nagsimula ng magmaneho.

Nasa kalagitnaan na ako ng byahe ng mag ring ang phone ko. Calling, unknown number. I pick it up and answer.

"Hello?" sabi kong nakafocus parin sa pagmamaneho.

"Where are you?"

Kung hindi ako nakapagpigil ay baka naapakan ko ang minor ng wala sa oras. Isang familiar na boses ang narinig ko sa kabilang linya at hindi ko na kailangang itanong pa kung sino siya.

"I'm on my way. Nandiyan na ba si Ian?" tanong ko. Hindi ako pwedeng magpanggap na wala akong alam na kasama siya dahil magmumukha lang akong tanga.

"He said hindi ka niya makontak. Nasa loob na siya. Nasan ka na?" matigas niyang sabi sakin. Hindi ko alam kung galit ba siya o kung ano.

"Malapit na ako but still driving. Mauna-"

"What?! Nagdadrive ka? The fuck Lian!" halos mabitawan ko ang phone ko sa sobrang lakas ng sigaw niya. So what now if I'm driving? Pati ba naman siya?

"I can drive, nothing to-"

"Stop the car. Tell me your location and I'll be there. Now. " pwede ba patapusin niya muna ako? Hindi ko pinansin ang sinabi niya. The hell!

"Just let me finish! Malapit na ako. Walang mangyayaring masama sa akin unless kung makikipagtalo ka at di ako makakapagfocus sa pagmamaneho."

"Ang tigas parin ng ulo mo. I'm driving now Lian, sasalubungin kita."

Napabuga ako ng hangin ng marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kotse niya at kasunod non ay sunod sunod ng tunog na ng sasakyan. Seryoso ba siya? Sabing malapit na ako!

"Stop the car Ethan! Malapit na ako-" di ko na naman natapos ang sanay sasabihin ko ng maputol na ang linya. God! He's giving me a headache! Mas sobra pa siya kay Ian!

Binilisan ko nalang ang pagmamaneho at maya maya pay naaninag ko na ang sasakyan niya. Hindi na ito ang sasakyan niya noon pero ilang beses ko na rin tong nakita, sa party at nong nasa bahay siya.

Nakita kong inihinto niya ito kaya huminto na rin ako. Bumaba siya sa sasakyan niya kaya bumaba rin ako.

"What the hell do you think you're doing? Diba't ang kabilin bilinan sayo ni Ian ay maghintay ka ng tawag niya? And what is this? He said don't ever use this damn car!" napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya. Paano niya naman nalaman ang mga sinabi sakin ni Ian? Magkaibigan nga sila.

Hindi pa ako nakakasagot ng bigla niyang buksan ang pinto ng sasakyan ko at pumasok sa driver's seat. Kinuha niya ang susi at muling lumabas. Hinila niya ako sa braso papunta sa sasakyan niya. God! Ano bang ginagawa niya! Nasasaktan ang braso ko!

"Ethan wait! Yong sasakyan ko-"

"Cut it off. I'll take care of that damn car of yours. Walang kukuha niyan."

Ano bang problema niya? Bat ba panay ang mura niya sa sasakyan ko?

"At pano kung nakawin nila-"

"Edi nakawin! Wala akong pakialam!"

Pinasakay niya ako sa passenger's seat saka isinuot sa akin ang seat belt at pabalibag na isinara niya ang pinto. Kailangan ko na atang magpatawas pagkatapos nito dahil punong puno na ng gulat ang katawan ko.

"My God..." tanging sambit ko at sinilip siya sa bintana. Nakapamulsa ang isang kamay niya habang nakakunot ang noong may kinakausap sa telepono. Napakaseryoso niya. Umayos agad ako ng upo ng ibaba niya ang tawag at galit ang mukhang sumakay sa driver's seat.

"Ethan yong sasakyan k-"

"I said cut it off!" sigaw niya.

What the fuck! Bat ba siya galit?!

"Bat ka ba nagagalit? Yong sasakyan ko iniwan mo tapos ikaw pa ang galit?" napahawak ako sa handle ng bintana ng patakbuhin niya na ang sasakyan ng mabilis.

"Unbelievable! Ibaba mo ako!"

"Stop acting like a child Lian, hindi na tayo mga bata para sabihin mong ihinto ko ang sasakyan dahil bababa ka. Tapos na tayo sa stage na yan." sagot niyang sa kalsada nakatuon ang buong atensyon.

"Sino bang umaastang parang bata sa atin Ethan? My God I'm old enough! Di nako bata para bigla mo nalang kaladkarin at ipapasok sa sasakyan mo habang iniwan sa tabi tabi nalang ang sasakyan ko. Stop the car or else-"

"Or else what? Ano na namang gagawin mo? Tinatakot mo ba ako dahil damn like hell Lian hindi ako natatakot." mahinahon na ang boses niya ngayon pero may riin bawat salita ang pagkakasabi niya.

"Isusumbong kita kay Ian. Hindi niya to magugustuh-"

"At sa tingin mo ako gusto ko? Kung-"

"Pwede ba patapusin mo muna ang sasabihin ko! You keep interupting!" patili ko ng sabi sa sobrang inis. Lagi niyang pinuputol ang sasabihin ko, ayaw niya akong pagsalitain.

"Fine. Talk. Talk all you want. I don't fucking care."

Inirapan ko siya at sa bintana nalang tumingin. Why am I here? Hindi ko dapat siya kasama.

"See? I give you the privilege to talk but now you're in silence. I don't understand." rinig kong bulong niya pero rinig ko pa rin.

"I should not be here at the first place." malakas kong sabi pero hindi siya sumagot.

Katahimikan na ang sumunod na naghari sa ilalim ng sasakyan. Itinuon ko nalang rin ang mata ko sa daan, alam ko namang wala akong mapapala. Pero sandali, lampas na kami ng hotel! Ibang daan na tong tinatahak namin!

"Ethan wait, lampas na tayo! San tayo pupunta?!" natataranta kong sabi. Hindi dahil sa wala akong tiwala sa kanya kaya ako natatakot, hindi lang talaga tamang magkasama kaming dalawa ngayon.

"Stop the car! Isusumbong kita kay Ian!"

Patuloy lang ako sa pagtili. Hindi to tama! Ano bang nasa isip niya!

Sa inis niya ata bigla niyang inihinto ang sasakyan. Pinark niya ito sa gilid at tanging ilaw lang ng sasakyan namin ang nagbibigay liwanag sa paligid.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko sayo." sabi niyang nagpatahimik sa akin. Ang talas ng tingin niya sa kalsada, at ng tingnan niya ako at nagtama ang mga mata namin, how I wish lamunin nalang ako ng lupa ngayon.

"Ian will-"

"Walang magagawa si Ian! Will you stop mentioning him? Kung hindi ko lang alam na kapatid mo siya baka namatay na ako sa selos!"

Humigpit pa lalo ang hawak ko sa seatbelt na ngayon ay kailangan ko na atang alisin dahil di na ako makahinga.

"What do you want? What do you want Ethan?" buong lakas kong tanong at nagbabakasakaling matatapos na to. I want to scape, gusto kong tumakas sa eksenang ito.

"I don't want anything from you. When it comes to you, I want nothing." sagot niyang mas nagpaguho lang sa akin.

Ramdam ko naman yon, sa paraan ng pananalita niya na walang kaemo emosyon, alam kong wala naman talaga siyang kailangan o gusto sa akin.

"I don't wanna run. I don't wanna stop seeing you, thinking of you. Damn. I don't wanna stop." dagdag niyang hindi inaalis ang mga mata sa mukha ko.

"You must-" pero nabigo ulit ako. Napapikit nalang ako ng muli niyang putulin ang sasabihin ko.

"Yes I must stop. But how? Sa tuwing titigil ako andiyan ka. Sa tuwing aayaw ako nagpapakita ka. Kahit anong gawin ko, lagi kang nasa isip ko. What are you doing to me?"

No Ethan, what are you doing to me?

Ako dapat ang magtanong sayo niyan. Kung dapat ba akong maniwala o hindi sa mga sinasabi mo ngayon, how I badly want you to know that you also make me feel the same way.

"Hindi moko dapat dinala rito. Alam mo bang mali to? Maling nag-uusap tayo. Maling magkasama tayo ngayon. Didn't you know that Ethan? Alam mong maling mali to."

"Bat nga ba to naging mali Lian? Tama naman ang lahat noon diba? Why?" malungkot niyang sunod sunod na tanong.

I don't like this. Ayokong pag-usapan pa ulit ang nakaraan. Alam kong ako ang talo. Alam kong kasalanan ko.

"Ethan, we should not talk about it any-"

"We should! Damn! Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan Lian! Kahit ilang beses kong isipin hindi ko parin maintindihan ang dahilan mo! I was so coward that time pero pagdating sayo naging matapang ako. I was so weak pero nilakasan ko loob ko dahil umasa akong panghabamhuhay na tayo. Pero san ako dinala ng pagmamahal ko sayo? Wala. And yes tama ka. We were so young. Young. Damn. And. Broke."

Bawat kataga ay damang dama ko. Gusto kong lumabas pero ayokong may isang salita akong hindi marinig galing sa kanya at baka pagsisihan ko lang.

"Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan? Come on Ethan alam kong alam mo kung pano kita hinanap. I waited for weeks, months, years. Pero nasan ka? Kumapit ako kay Ian dahil alam kong hindi parin naputol ang communication niyo. Hanggang sa bumalik ka. Akala ko okay na. Akala ko bumalik ka na nga. Pero bumalik ka pero.." hindi ko alam kung may karapatan ba akong sumbatan siyang may kasama ng iba. Wala akong karapatan. At yon ang pinakamasakit na totoo.

"Pero ano?"

Hindi ako sumagot. Natatakot ako na baka sa muling pagsalita ko ay iyak na ang magiging kasunod non. Not this time. Not again.

"Pero ano?" ulit niya at akma akong hahawakan pero inalayo ko sa kanya ang kamay ko. Pls Ethan, wag mo na akong bigyan pa ng palaisipang pwede pa tong maayos kung alam kong hindi na. Just please.

"We have to go back bago pa tayo hanapin ni mommy at daddy. Please Ethan, don't you make me feel like you're cheating with Mia."

At sa isang iglap lang, para siyang nabuhasan ulit ng kumukulong mantika. Nagdrive siyang muli pabalik at masakit man sa aking ipaalala sa kanya na may girlfriend siya ay buong puso ko yong tatanggapin. Ayokong dumating ang panahon na ako ang makalimot na may nagmamay-ari na ng puso niya at hindi ako yon.

Nakarating agad kami sa hotel dahil di pa naman kami masyadong nakakalayo. Sumalubong sa amin ang nayayamot na Ian na nakapameywang sa labas mismo.

"What took you so long?" galit niyang tanong sa akin. Bat ako? At saka di ba siya magtatanong kung bakit kami magkasama ni Ethan at mismong sa iisang sasakyan pa?

"She disobeyed you. Talk to her." sagot ni Ethan at nauna ng pumasok. Ganun lang yon? Iiwan niya ako samantalang siya ang may kasalanan kung bakit kami natagalan?

"Ano na namang ginawa mo? Nag-away ba kayo?" tanong niya ulit na nakasunod ang paningin sa likod ni Ethan.

"Kasalanan niya kung bakit kami natagalan. Kung hindi sana umandar ang mainitin niyang ulo sana kanina pa kami nandito. Isa pa my car! For goodness sake iniwan niya sa gilid-"

"What?! Ginamit mo ang sasakyan mo? Didn't he told you not to? Natural na magalit yon! Sinabi niyang wag kang gumamit ng sasakyan! He said wait for the signal! Malinaw sa text niya Lian!" galit niya na ring pangaral sa akin. Pero mas naguluhan lang ako sa mga sinabi niya.

"Sa text niya?" tanging nasambit ko. Natigilan rin siya bigla na para bang inisip sandali kung ano ang mga sinabi niya.

"Nevermind-"

"Anong text niya? Siya ba ang nagtext sa akin? Ginamit niya ba ang number mo? Kaya ba pagkatapos non di na kita makontak? Kaya ba siya ang tumawag sa akin imbis na ikaw?" sunod sunod kong tanong.

Hindi siya nakasagot. Tsk. Ang bilis niya namang madulas.

"Kung magalit kayo sakin parang ang laki ng kasalanan ko. Kaya pala hindi ka tumawag kasi hindi ikaw ang hinihintay ko."

Nauna na akong pumasok pero naramdaman kong nakasunod siya sa akin. Nang matanaw ko ang reserved table para sa amin ay nakita ko si Ethan na ngiting ngiting nakikipag usap kay mommy at daddy.

"Act normal Lian. Wag mo ipahalatang affected ka masyado." narinig kong sabi ni Ian saka ako nilampasan at nauna na sa akin.

Sira ba ulo niya? Sa ngayon bat pa ako maaapektuhan kung sobra ang inis na nararamdaman ko? Nagpanggap siyang si Ian at pumayag naman siya. Pareho silang may kasalanan sa akin.

"Oh there you are! Bat naman ang tagal niyo?" salubong samin ni mom at niyakap kami.

"Mom, dad." nakangiti kong sabi at hinalikan sila sa pisnge.

Nang lingunin ko si Ethan, mataman siyang nakatingin sa akin. Nag-iwas agad ako ng tingin at umupong nakasimangot.

Dumating na ang orders namin at nagsimula na kaming kumain habang panay ang usapan nilang apat. Hindi ako makarelate, ikaw ba naman ang maligaw sa apat na doctors na nasa harapan mo.

Mom and dad are also a doctor. Kaya nga pati si Ian ginusto na rin ang ganitong profession mula pagkabata. Isa na rin siguro yon ang rason kung bakit mas naging malapit ang family namin ni Ethan dahil sa ganong trabaho. Ako nga lang ata ang umiba ng landas samantalang lahat ng kapatid ni Ethan ay mga doctor. Ang pinagkaiba lang, ang business nina mommy ay nasa ibang bansa, pero kina Ethan nandito sa Pilipinas.

"Pagsabihan niyo nga yang anak niyo dad. Sobrang tigas ng ulo. Sabing 'wag ng magdrive." sabi ni Ian na nagpahinto sakin sa pagsubo ko sana. Pinag-uusapan ba nila ako?

"What? Bat napunta sakin?" tanong ko.

"Di ka na nasanay sa kapatid mo. Simula ng naghiwalay sila ni Ethan ay tumigas na ang ulo niyan."

Halos mabilaukan ako sa sinabi ni mommy. Seriously? Kailangan niya bang sabihin yon? My God! Ni di ko matingnan kung anong reaction ni Ethan, tawa lang ni Ian ang naririnig ko. Nakakahiya.

"Grabe ka naman mom. Pero tama kayo." tumatawang sabi ni Ian. At talagang ang saya niya pa.

"What's wrong if I drive? I have my driver's license. May problema ba don?" sagot kong pilit na iniiba ang "usapang Ethan".

"Pano ka nga pala nakakuha ng license kung di ka marunong magdrive?" singit ni Ethan na ikinatigil ko ulit. Pinagtaasan ko siya ng kilay bago sumagot.

"Kung di ako marunong magdrive, di sana di mo nakita kaninang nagdadrive. Magkaiba ang magaling sa marunong. At lalong magkaiba ang marunong sa hindi marunong. Hindi ako magaling pero marunong ako. Gets? The case is close." I said at nagpatuloy na sa pagkain. They're freaking me out.

"Yes attorney." nang-iinis pang sabi ni Ian. Bat ba di nalang siya manahimik?

"Balita ko dito ka na raw nagtatrabaho Ethan?" seryoso ng sabi ni daddy. Hinayaan ko nalang na sila ang mag- usap usap.

"Yes tito. I am about to manage the business of lolo. Mahirap na rin kasi kapag napabayaan dahil lang sa wala ng mag-aasikaso. Actually nag-umpisa na po ako last week."

"That's great. How about Mia? Hindi ba siya babalik rito? Kumusta na pala kayong dalawa?"

Talaga mom? Bat ba ganyan ang mga tanong niyo? Helloooo, andito ako sa harapan niyo!

Matagal bago sumagot si Ethan, akala ko nga hindi niya sasagutin ang tanong.

"We're doing great tita. Pero may kailangan rin po siyang asikasuhin sa New York. Maybe after 2 months babalik siya rito."

I'm too selfish if I'll wish na sana wag nalang. I'm too selfish kung hihilingin kong sana hindi nalang.

"How I wish makahanap na tong si Lian ng lalaking katulad mo-"

"Speaking of!" putol ni Ian kay mommy. "Mukhang meron na nga, may nagpapadala sa kanya ng flowers nitong mga nakaraang araw. I guess sign na yon?"

"Bat sakin na naman napunta ang usapan? Worry about your love life Ian, stop talking about mine."

"Pardon? I have my Jul. Ikaw ang wala."

Ewan ko kung gano pa kami katagal nag stay sa hotel. Hindi na nagsalita pa si Ethan pagkatapos nong usapang yon. Biglang nagbago ulit ang timpla ng mukha niya. Naisip niya ba ulit si Mia dahil sa tanong ni mommy? Sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Mia, tumatahimik na lang siya bigla.

I wonder kung may alam ba si Mia na may nakaraan kami ni Ethan. Nong nasa party kami, kahit napag-usapan kaming dalawa ni Ethan parang wala siyang pakialam o para bang wala siyang alam sa lahat. Hindi ba sinabi ni Ethan sa kanya? If I am the girlfriend at alam kong ex niya ako, I won't allow my boyfriend to stay here.

Hindi ko hahayaang makita ng boyfriend ko ang ex girlfriend niyang mahal pa siya hanggang ngayon. Call me stupid pero yon ang nararamdaman ko.


© frianeza