...

8 views

Chapter 05 - My No Girlfriend Since Birth Boss - Bakit Kaya? - Book 01
«»«»«»«»«»

"3 Days. Malalaman mo Miss Catapang kung hired ka na bilang PA kung may tatawag sa iyo mula sa opisina ng kumpanyang ito sa isa sa mga araw na iyon."

"And prepare yourself para sa mga trainings na gagawin mo na kailangan mong ipasa para tuluyan ka nang maging employee ng kumpanya."

Ika-apat na araw na ngayon at nasa harapan ulit ako ng building kung saan ako mag-uumpisang magtraining bilang PA. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko lalabas ang puso ko.

Fight lang!

"Good Morning po Mang Jacobo!" Nakangiting bungad na pagbati ko sa security guard na nakatindig malapit sa harapan ng building ng first floor.

"Sino nga po ulit kayo Ma'am?" Alanganin sagot ni Mang Jacobo sa akin habang bahagyang nakataas ang kanan kilay nito.

"Ahh! Ako po si Monica, ako po iyon sinamahan ninyo para magtungo sa opisina ni Sir Santi," saad ko kay Mang Jacobo habang hindi inaalis ang ngiti sa labi ko.

"Ahh! Ikaw pala iyon. Ano, kumusta na? Tanggap ka na ba sa trabahong inaplayan mo?" usisa sa akin ni Mang Jacobo nang mapagtanto kung sino ako. Nakangiti naman siya kahit bahagyang napakakamot sa ulo nito.

"Ah! Opo, salamat nga po pala at sinamahan ninyo ako. Ngayon po ang umpisa ng training ko bilang PA kaya heto po kinakabahan ako ngayon," saad ko naman bilang tugon kay Mang Jacobo.

"Naku, Ma'am! Huwag po kayong mag-alala, mababait naman po ang mga bossing namin dito. Medyo strikto lang po ng kaunti lamang naman si Sir Santi pero mahusay naman po siyang mag-train kaya matututo kaagad kayo ng magiging trabaho ninyo," paliwanag sa akin ni Mang Jacobo. Ang totoo maaga akong bumiyahe para magtungo sa kumpanyang akin inaplayan kahit alas-otso pa ang oras kung kailan ako dapat mag-umpisang mag-train bilang PA.

"Ohh! Ganoon po! Parang lalo yata akong kinabahan," saad ko naman habang napapalunok pa ako ng laway. Noon una ko pa lang makausap si Sir Santi matindi na ang kabang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi palagi akong may sermon sa oras na magpamali-mali ako sa mga dapat na gawin.

"Kaya ninyo po iyan!" tugon naman ni Mang Jacobo.

"Naku! Sana nga po. Sige po, mauuna na ako. Salamat po ulit sa pag-aassist sa akin noon isang...