YUMI
Ang pogi natin ngayon, Tem!
Bumaba na ako mula sa aking kwarto at sinalubong ng yakap sila mama at papa.
"Magandang umaga po," bati ko sa kanila. Ngumiti lang si mama sa akin at nagpatuloy na sa paghahanda ng aming kakainin.
"Kuya! Good morning!" bati sa akin ng bunso kong kapatid, si Ayi. Binati ko rin siya at umupo na rin katabi ko.
Tinawag na ni mama si papa upang makakain na kami. Ganito lagi sa bahay, sabay-sabay kaming kumakain. Nagagalit pa nga si mama pag nahuhuli kami sa pag-kain.
"Mag iingat kayong dalawa ha!" bilin sa amin ni papa. Kumaway silang dalawa kaya napakaway na rin kami ni Ayi.
"Gusto mo ba na ihatid pa kita sa kanto ng school niyo?" tanong ko kay Ayi habang palabas kami sa eskinita.
"Na'ko, hindi na kuya! Big girl na ako!" natawa ako sa sinabi niya at tumango. Oo nga, ang laki na niyang babae. Grade 6 na itong si Ayi habang ako ay college student.
Nagpaalam na ako sa kanya at sinabing mag-ingat siya. Iba kasi ang ruta ng eskwelahan ni Ayi. Ang kanya ay sa kaliwa, at ang sa akin naman ay sa kabila.
Papaliko na ako nang makita ko si Yumi. Ang nobya ko!
"Yumi!" tumakbo ako upang mahabol siya. Alam kong siya 'yun!
Tumigil ako at napatingin sakanya. Nginitian ko siya at kumaway. "Magandang umaga, mahal ko."
Ngumiti siya sa akin. Napakaganda niya talaga. Bukod sa buhok niyang sumasabay sa ihip ng hangin, kitang-kita ko rin mula sa sinag ng araw ang kanyang matang kulay tsokolateng kumikinang sa ganda.
Napakaganda..
"Yumi—" magsasalita pa sana ako nang bigla siyang tumakbo papalayo sa akin. Bakit siya tumakbo? May ginawa ba akong masama?
"Yumi!" tawag ko sakanya habang tumatakbo.
Papasok na ako ng eskwelahan nang may bigla akong nabunggo.
"Oh, pre, bakit ka tumatakbo?" tanong sa akin ng kaklase ko.
Napahawak ako sa balikat niya at hinabol ko ang aking hininga.
"Hinahabol ko si...Yumi.." hingal na hingal kong usal. Nagulat ako nang itayo niya ako nang maayos. Kitang kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya.
"Bakit?" tanong ko sa kanya habang hinahabol pa rin ang aking paghinga.
"S-Si Yumi..." hindi na niya nasabi ang kanyang gustong sabihin nang tumunog ang bell sa school.
-
Excited na akong umuwi dahil may date kami ni Yumi ngayon. Nahuli na kasi ang selebrasyon namin para sa unang anibersaryo ng aming pag i-ibigan.
"Pwede na kayong umuwi," ngumiti ang huling prof na nagturo sa amin at lumabas na ng aming silid. Katulad ko, nagmamadali na ring lumabas ang aking mga kaklase ko.
Nakasalubong ko pa ang paboritong guro sa English kaya napabati na lang din ako kaagad.
Paguwi ko ay bumati ako kila mama at papa at nagmadali na rin akong umakyat sa aking kwarto.
Alas-dos kasi ang usapan namin ni Yumi ngunit 1:30 na kami nang i-dismiss ng aming prof.
Alas-dos na rin nang makatapos ako sa pag aayos ng aking sarili. Bumaba na ako upang magpaalam sa kanila.
"Saan pupunta ang aming gwapong anak?" biro ni mama sa akin. Natawa ako sa sinabi niya at nagmano sakanila ni papa.
"May date po kami ni Yumi," ngiting ngiti saad ko sakanila. Ngunit kabaliktaran ang reaksyon nila sa akin. Nawala ang ngiti ni mama habang si papa ay napatigil sa pagbabasa ng dyaryo.
Hindi ko alam kung bakit ganun ang naging reaksyon nila mama kaya ngumiti na lang din ako ulit at lumabas na ng bahay.
Nakasalubong ko si Ayi na mukhang galing pa ng paaralan.
"Sa'n ka punta, kuya?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako at ginulo ang kanyang buhok.
"May date kami ni Ate Yumi mo," at katulad nila mama, ganun din ang kanyang naging reaksyon. Napakunot ang noo ko sakanya pero ngumiti na lang din ako.
Nakita ko si Yumi sa kanto ng aming eskinita kaya napatakbo na naman uli ako.
"Naghintay ka ba nang matagal?" tanong ko sakanya.
Ngumiti siya at umiling. Hinawakan niya ang aking kamay at nagsimula na kaming maglakad.
Napangiti ako sa kanyang ginawa. Lagi naman siyang sweet sa akin pero parang ito ang unang beses na maging ganito siya ka-sweet.
2:30 na ng makarating kami sa isang malapit na Amusement park dito sa aming lugar.
Bumili na kaagad ako ng ticket at nakapasok na kami sa park. Kitang kita ko ang galak sa mukha ni Yumi. Napangiti akong muli at hinila ko na siya upang pumila sa isang ride.
Ang dami naming nasakyan rides ni Yumi. Sobrang saya lalo na ng mapilit ko siyang sumakay sa roller coaster. Nakakatawa ang mukha niya dahil halatang halata ang kaba niya.
Nang makakita ako ng photo booth malapit sa huli naming sinakyan ay hinila ko siya roon at nagpakuha ng litrato. Ang saya naming dalawa sa tatlong shot na iyon.
Bumili ako ng ice cream namin at binigay ito sakanya. Kitang kita ko pa rin ang saya sa kanyang mukha.
"Masaya akong makasama kang muli, Yumi.." mahina kong sambit habang nakatitig ako sa maganda niyang mukha.
-
Niyaya ko na siyang umuwi dahil kita ko na ang pagod sa kanyang mata. Gusto ko pa sanang umulit sa mga rides ngunit inaalala ko ang kundisyon ni Yumi.
"Nag-enjoy ka ba ngayon, Yumi?" masaya kong tanong sakanya. Pinisil ko pa ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin.
Ngumiti siya at tumango. Napadaan kami sa isang tindahan ng mga pancake. Nakita ko na nakatingin siya roon.
"Gusto mo ba ng pancake? tumango lang siya at sinabing intayin niya ako rito.
"Salamat po," ngumiti ako sa tindera at inabot ang binili kong pancake. Sakto at mukhang bagong luto pa.
"Yumi ito na yung— Yumi?" nagulat ako nang biglang nawala si Yumi.
"Yumi?" walang sumagot.
"Yumi?" wala pa rin.
"Yumi!" bumalik ako sa Amusement park. Baka kasi may nakalimutan siya dito.
Ngunit walang bakas ni Yumi sa park na 'to.
Bitbit ang pancake na binili ko para sakanya ay tumakbo ako papauwi ng bahay.
Binuksan ko ang pinto ng bahay namin at nakita ko ang gulat sa kanilang mga mata. Nakatingin silang tatlo sa akin.
"Ma, Pa, hanapin natin si Yumi!" naninikip na ang dibdib ko. Nasaan ka na ba kasi? Bakit bigla mo na lang ako tinatakbuhan?
"Tem.." kitang kita ko ang awa sa mga mata nila mama. Bakit? Bakit nila 'ko kinaaawaan?
"Nasaan si Yumi!?" sigaw ko dala ng galit at lungkot na bumabalot sa aking puso.
"Kuya, tama na!" napatingin ako sa kapatid ko. Nagulat ako nang may tumulong luha mula sa kanyang mga mata.
Ayi..
"Kuya, wala na si Ate Yumi.."
—
3rd Person's POV
"A-Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tem sa kanyang kapatid. Hindi niya matanggap na wala na si Yumi pero alam niyang kasama niya pa rin ito.
Kitang kita ang awa sa mga mata ni Ayi. Hindi kayang tingnan ni Ayi ang kanyang kapatid.
"Tatlong linggo na, Kuya... Wala na si Ate Yumi.."
"Nasan ka na ba kasi Yumi?" inis na tanong ni Tem sa kanyang kasintahan. Kanina pang ala-singko niya hinihintay si Yumi at ngayon ay malapit ng mag ala-sais.
"Mahal, pasensya na. Ang dami lang ginawa sa school. Malapit na ako.." malumanay na sagot ni Yumi mula sa kabilang linya.
Rinig na rinig ang ugong ng mga sasakyan kaya alam nitong nagmamaneho na si Yumi. Ngunit hindi tumalab ang pag ka-malumanay nito kay Tem at mas lalo pa itong nainis.
"Bilisan mo na!" rinig ni Yumi sa kabilang linya. Sasagot pa sana siya nang biglang naputol ang linya. Pinunasan nya ang kanyang luha at nilagay na muli ang kanyang telepono sa bag.
Hindi napansin ni Yumi na may paparating sakanyang isang ten-wheeler truck na mukhang nawalan ng preno.
Hindi na nakagawa pa ng ingay si Yumi nang maramdaman nyang may tumusok sa kanyang leeg.
Dahan dahang pumikit ang kanyang mga mata kasabay ng pagtigil sa pagtibok ng kanyang puso.
"Kuya, namatay si Ate Yumi dahil sa isang aksidente..." umiiling iling pa rin si Tem sa kanyang mga naririnig mula sakanyang kapatid.
"Ka...Kasama ko pa siya kanina!" nilabas niya ang litrato na kinuhaan mula sa photobooth.
"H-Hindi..." napatitig siya sa litrato. Siya lamang nandun at mukhang lang na may kasama. Napaluhod siya dahil sa panlalambot ng kanyang tuhod.
Biglang pumasok sa kanyang isipan ang isang senaryo sa Amusement Park
"Kuya, pabili naman ng dalawang chocolate ice cream," masayang sabi niya sa nagtitinda. Nahawa ang tindero sa kanyang ngiti kaya napangiti na rin ito.
"Ang saya mo ata ngayon, iho.." inabot ng tindero kay Tem ang dalawang ice cream.
"Kasama ko po ang girlfriend ko. Ayun po siya oh!" tinuro niya ang puno ngunit wala namang tao du'n.
"Anak, tama na..." napaluhod na rin ang kanyang ina dahil sa kundisyon ni Tem. Hindi niya alam kung paano ito pakakalmahin.
"Y-Yumi...Mahal ko.."
© All Right Reserved