...

14 views

Chapter 01 - My No Girlfriend Since Birth Boss - Bakit Kaya? - Book 01
«»«»«»«»«»«»







"Eli! Eli! Nasaan ka na?"




"Nandito ako Monica!"




"Saan?"




"Dito. Halika lumapit ka rito."




Dahan-dahan akong naglalakad papalapit sa puwesto kung saan may nauulinigan akong pamilyar na boses. Sa tuwing naririnig ko ang tinig na iyon, gumagaan ang pakiramdam ko. Nasanay rin ako na palagi kong naririnig ang mahinahon niyang boses, kaya nga lang...




«»«»«»«»«»




"Monica, Hoy!"




"Hah! Hah? Ba--bakit po Mama?" Sagot ko sa babaeng nakaupo sa kabilang dako ng lamesa kaya naman magkaharapan kami habang nag-uusap. Mataman nakatitig sa akin si Mama habang nakakunot ang noo niya at tila nagtataka siya sa ikinikilos ko. Hindi ko kaagad kasi namalayan ang presensiya ni Mama sapagkat malalim ang iniisip ko. May naalala kasi akong isang importanteng pangyayari mula sa nakaraan ko.




"Ayos ka lang ba anak? Kanina pa kita hindi makausap ng matino ah. Hindi ka ba nakatulog nang maayos kagabi?" Magkakasunod na tanong ni Mama sa akin habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin. Habang ginagawa niya ang pagsasalita kasabay din noon ang pagmumustra niya sa akin para iabot ang isang pinggan na may nakalagay na ilan piraso ng piniritong itlog.




"O--okay lang po ako Mama. Medyo late lang din po akong nakatulog kagabi sapagkat may mga tinapos pa po akong sagutan na resume. Ipapasa ko po kasi ang mga iyon sa kumpanyang nais kong aplayan. Nais ko na po kasing magtrabaho," pagpapaliwanag na tugon ko kay Mama.




Ang totoo nanaginip din ako. Sapat naman sa tingin ko ang naging tulog ko kagabi dahil maaga akong nahiga sa kama ko pero naalimpungatan na lang ako nang dahil sa isang panaginip. Halos magmamadaling-araw na iyon at nang dahil sa panaginip na iyon, hindi ko na naituloy ang pagtulog ko.




"Ganoon ba anak. Kailan ka ba magpapasa at saan? Anong trabaho rin ba ang aaplayan mo?" muling pagtatanong sa akin ni Mama.




"Ngayon araw din po Mama. Bale Personal Assistant po sa isang napakalaki at kilalang kumpanya rito sa Makati ako mag-aaplay. Alam ninyo po iyong kumpanyang Feliza Joshefa Ayala Jewelry Line Corporation?" masiglang sagot ko kay Mama.




"Oo naman anak! Kilalang-kilala ang kumpanyang iyon sapagkat sila iyon nagmamay-ari ng ilan branches ng Jewelry Shops dito sa Makati at sa ibang bahagi ng Maynila. Kahit sa ibang bansa ay may malalaking branches din sila ng Land of Precious Stones Jewely Shops. May iba pang mga negosyo silang pagmamay-ari bukod sa mga Jewelry Shops kagaya nga ng Hotel de Amor, Don Pepito Food...