WALUMPU
Ang kaharian ng Traveil ay isa sa pinakakilala sa labingdalawang kaharian. Makikita Traveil sa mapa na nasa pagitan ng dalawa pang kaharian. Ang Saphiro na nasa silangang bahagi at ang Veny na nasa Kanluran. Nakapwesto ang nasabing kaharian sa dulo ng gitnang-silangan.
Bukod sa magagandang lahi ay nagtataglay din ang kaharian ng masaganang lupain, pamumuhay at magagandang kapaligiran. Maraming tagong kwentong kababalaghan ang bansa kaya naman napuno ito ng tradisyon na magpasahanggang ngayon ay nagpapatuloy.
Dumagundong ang malakas na tunog ng malalaking trumpeta matapos maihalal na hari ni Zigfred. Dalawampu't isang taon na siya ngayon. Naglakad paharap ang makisig na hari matapos maiputong sa kaniyang ulo ang korona na anyong pakpak ng dragon at sa sentro ay mismong ulo ng nabanggit na nilalang.
Inayos ng binata ang kasuotan niyang gawa sa mamahaling klase ng tela. Nangingintab sa pagka-elegante ang kulay kayumangging damit. Sa bahaging dibdib at sa magkabilang dulo ng manggas ay naka-ukit ang simbolo ng kaharian ng Traveil. Ang Dragon.
Nagtaas ng dalawang kamay si Zigfred na ginaya ng mga tao habang hawak ang maliit na piraso ng telang may simbolo ng kaharian, pakiki-isa ito bilang pagsasaya sa kaniyang pagkakaluklok. Nilibot ng binatang hari ang buong entablado habang nakangiting kumakaway. Dahil doon ay lalong lumitaw ang taglay niyang karisma na lubos ikinabighani ng nakararami, lalo na ng mga kababaihan, mapa-bata man o matanda.
"Maraming Salamat mga mamayan ng Traveil. Sa ngalan ni Eliah at ng labindalawang kaharian, sa pakiisa sa Realyansa sa pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan, isinusumpa ko sa banal na karagatan ng Eloim Osean, maglilingkod ako ng tapat sa aking lupaing sinilangan!"
May napahiyaw sa galak, may naiyak, may napatalon at napagulong sa mga namutawing salita ng bagong hari. Ganoon katindi ang epekto niya sa taumbayan.
Lumipas ang mga araw ay mas labis na minahal ng mamamayan si haring Zigfred subalit hindi nagtagal ay bigla na lamang nag-iba ang kaniyang asal. Naging arogante't nalulong sa kahalayan at kalaswaan ang hari.
Sa bawat araw na nagdaraan ay dumarami ang mga babaeng dumaraan sa palad ng hari. Mas tumindi ang tawag ng laman niya na nag-udyok upang gumawa ng hindi nakalulugod na bagay.
"Mahal na hari, parang awa mo na, hindi ko na kaya!" pagmamakaawa ng isang binibini. Nakatali ito ng pa-ekis sa higaan ng hari habang walang saplot.
Sa halip na magbalik-salita ay nakapangingilabot na ngisi lang ang isinukli ng magandang lalaki na wala ring suot na kahit ano. Kinuha nito ang isang pahabang bagay na gawa sa pinakinis na metal. Kalahating dangkal ang lapad at umaabot ng limang dangkal ang haba.
Pagkatapos mabuhusan ng mabangong langis ang dulo ng makinis na pahabang metal ay marahas itong ipinasok ng binatang hari sa maselang parte ng babae. Ikinamatay ng babae ang nangyari.
Lumipas ang mga taon. Dalawampu't tatlong taong gulang pa lamang ay marami nang naging asawa si haring Zigfred. Nagpatuloy ang kahalayan na habang tumatagal ay mas lalong lumalala at kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya makuntento. Sa dami ng mga babaeng nadaungan ng kaniyang katawan ay hindi pa rin mapunan ng makisig na lalaki ang kasapatang hinahanap ng makamundo niyang laman na hayok sa pagnanasa.
Nagpatuloy siya sa ganoong gawain kaya nagpatuloy rin ang mga kababaihang nasasaktan at namamatay.
----
Probinsya ng Jovial.
Ito ang pinakamalapit na probinsya sa kapital ng Traveil. Nasa bahaging timog ito na labinlimang kilometro ang layo sa syudad ng Mirth kung saan makikita ang kastilyo. Ang Jovial ang pinakakilalang probinsiya sa buong bansa dahil sa mga kultura nito at tradisyon.
Sa linggong ito ay idaraos ang isa sa pinaka-ispesyal na pista ng probinsiya.
Ang Drago Festa Psalmus o pista ng mga nag-aawitang dragon.
Bago dumating ang taglamig, mula sa isla ng Jolif na nasa kanluran ng Traveil ay lumilipad ang mga dragon patungo sa Saphiro. Dahil mataas na bulubundukin ang probinsiya ng Jovial ay nakikita mula roon ang pagtawid ng mga dragon patungo sa katabing kaharian. Ganoondin ang nangyayari sa t'wing tapos na ang taglamig. Galing ng Saphiro ay bumabalik ang mga dragon sa isla ng Jolif.
Ginawan iyon ng pagdaraos ng mga tao na tinawag na pista ng mga nag-aawitang dragon sapagkat sa t'wing dumaraan ang libo-libong dragon sa ibabaw ng probinsya ay nakabubuo ito ng klase ng ingay na tila nag-aawitan. Naging tradisyon na ang pagbibigay kasiyahan sa araw na iyon sa paniniwala ng tao na inaawitan sila ng Manlilikha sa t'wing tumatawid ang mga dambuhalang nilalang.
Nakahanda na ang mga tao para tunghayan ang mga naglalakihang nilalang. Tanghaling tapat subalit ramdam ang lamig sa probinsiya sapagkat nalalapit na ang taglamig. Nagtipon ang lahat sa isang mataas na bulwagan upang ganapin ang kasiyahan.
Pum'westo si Zifgred sa...