...

2 views

Kung sakaling maiwan sa sakayan
Kung sakaling maiwan sa sakayan

Kung sakaling maiwan sa sakayan. Pipilitin ko parin na tumakbo ng mabilisan maabutan ko lamang ang iyong sinakyan, magbabakasakaling ikaw parin ang aking masilayan sa dapit hapon, sa gabing malalim ang dilim na kahit sa isang pag kurap lamang na makita ka nang aking mga matang may angkingkang kagwapuhan aking kasintahan.

Gusto kung palagi kang mahagkan na kahit wag naman sanang ipag kait nang may kapal na makita at makasama ka sa aking panaginip aking mahal, na kahit sa pag pikit ko na lamang kaya makita ang iyong mga ngiting kumikislap na parang isang mga bitwin sa kalangitan oh aking mahal—ayaw kung matapos dito ang pahina hindi ako handang isarado ang libro. hindi ko pa kayang ipaubaya ang iyong mga kamay at iyong pusong tunay na makulay na walang humpay sa pag-ibig mong itinataglay.

Hindi ka lang isa sa mga normal lang na tao. isa kang hindi mapapalitan ng kung sino man na taong kahit may taglay na husay na talento o kagandahan. Isa kang diamante na hindi kayang tumbasan o tapatan ng kung sino man.

Sa lakas ng ihip nang hangin.

Sa pagpikit nang aking mga mata sa ilalim ng dilim, at sa pag mula't ng mata sa bagong umagang haharapin. Palagi kung bukang bibig na ako lang ang mahalin mo, pero hindi ko pipilitin ang kagustuhan mo.

Ikaw ang gusto kung maka sama, sa aking huling hininga aking mahal.

At kung sakaling maiwan sa sakayan, alam ko naman kung saan mo ako matatagpuan. At wag kang mag alala alam ko rin naman kung saan ka hahagkan.
© ms.c