...

11 views

Pagtingin
May gusto akong sabihin sa'yo,
Pero nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa ito,
Baka bigla kang magbago kapag nalaman mo,
Na ako'y may pagtingin sa iyo.

Tuwing umaaga'y nakikita na may ningning sayong mga mata,
Ngunit alam ko na iba ang dahilan ng pagkislap nila,
Ang sabi ng puso ko na ako'y magtapat na upang ako ay lumigaya,
Pero ang sabi ng isip ng ko'y baka masaktan ka lamang niya,

Kapag ba inilahad na ang aking nadarama,
May kasiguraduhan ba na ito'y masusuklian niya?
Wag mo sana akong sisisihin dahil mahirap ang tumaya,
Kapag damdamin na ang nakapusta,

At ngayon ako ay nakapagpasiya na
Pipiliin ko na lang na di nya malaman
Upang ang puso ko'y di na masaktan
© Secretive