...

2 views

Baka Sakali
Sa isang tulang mumunti,
ako'y magbabaka sakali.

Baka sakaling isang araw ay magising
na ikaw na muli ang kapiling.
Na baka sakaling sa pagsikat muli ng isang bagong umaga,
ikaw at ako muli ang magkasama.

Baka sakaling sa pagdilat muli ng aking mga mata,
ikaw na muli ang aking makita.
At hindi na nanaising pumikit pa,
sa takot na muli kang mawala.

Baka sa ibang katauhan,
ibang pagkakataon.
Sa ibang oras at ibang panahon.
Baka sakaling magkita na tayo doon,
at baka ang naudlot na pag-ibig ay muling umusbong.

Baka sakaling ikaw at ako parin hanggang ngayon.
Huli man o hindi, tama man o mali...
Ikaw at ikaw parin,
Kahit baka sakali.


05.05.2020
K.A.
© All Rights Reserved