...

2 views

Bayang Sinilangan
Aking bayang sinilangan
Mahal lamang mayayaman
Mga dukhang mamamayan
Nakasidlak pa rin sa karimlan.

Aking bayang sinilingan
Uhaw sa pera't kapangyarihan
Mga bulsa'y kaliwa't kanan
Punong-puno ng kahihiyan.

Aking bayang sinilangan
Inaalipin ng mga dayuhan
Inalipusta ng walang katapusan
Dulot nito ay kahirapan.

Aking bayang sinilangan
Mata'y bulag sa kasinungalingan
Tainga nabibingi sa katotohanan
Di pa ba sapat itong karanasan?

Aking bayang sinilangan
Baguhin ang madilim na kalagayan
Ating buksan puso't isipan
Magsama-sama para sa kasaganaan.

Aking bayang sinilangan
Bigyan pansin ang kasaysayan
Aalahanin ang mga karanasan
Na dinanas ng ating kalahian.

Aking bayang sinilangan
Tayo'y dumaan sa matuwid na daan
Baluktot na daan ating lubayan
Para sa pangarap nating inaasahan.

Aking bayang sinilangan
Dapat nating sabay pagtulungan
Umusad itong ating mahal na bayan
Huwag isipin sariling kapakanan lamang.

Aking bayang sinilangan
Makinig sa utos ng nasa kalangitan
Talikdan mga dating nakasanayan
Upang ating mapagtagumpayan.

Aking bayang sinilangan
Ikaw magkaraoon ng kaawaan
Sa sarili at kapwa mamamayan
Para mithiin ating masumpungan.

© ScarletHeart995