Ampalaya
Gaano ba kahirap ang palayain ka?
Tanong sa isip at sa puso ko'y nadarama
Hinagpis at sakit 'pagkat wala na
Ang tamis at ligaya ng tunay kong pagsinta
Pilit mang hagilapin ang tunay na damdamin
'Tila 'di mahanap ang sagot sa tanong kung ikaw ba'y mahal parin
Pilit mang ibalik ang apoy at pagningasin
'Tila ang init ay wala na sa pagtantong baka ika'y 'di na para sa'kin
O baka sadyang takot na't nagdududa
Kung dapat nga bang muling mahalin ka
Baka nauunahan na kaya't kay bigat na
Siguro'y hindi ko na nga kaya
Minsan mapait, madalas ikaw
Hinahagilap parin ang 'yong liwanag at ilaw
Ngunit sa gitna ng unos ko't pasakit ako ngayo'y naliligaw
Hinahanap ka't 'wari 'di ka matanaw
Ang palayain ka'y kay-sakit isipin
Ngunit kung ito nga'y dapat ng gawin
Masakit ma'y kailangan paring tanggapin
'Pagkat AMPALAYA-IN ka'y 'di lamang para sa'yo, kun'di para sa'tin
17.12.2023
K.A.
© All Rights Reserved