...

15 views

Panaghoy ni Maria
Isang umaga bigla na lang nalungkot
Nawalan ng gana at gusto na lang sa kumot.
Pumapatak ang luha at ang mata'y kinukusot.
Walang nakakakita,walang nakakaalam sa kanyang isip ay puro lungkot.

Nawalan ng saysay ang dating makulay na buhay.
Hihilahin ka pababa at ilalagay ang iyong paa sa hukay.
Hindi sila masaya sa iyong tagumpay.
Kaya't ang puso ay puro lumbay.

Mga ngiti nila sa iyo ay puro pagpapanggap.
Yung akala mo ay totoo pero hindi pala katanggap-tanggap .
Wala silang nais kung hindi ikaw ay pagtawanan.
Ang iyong anyo ay kanilang lalaitin.
Tanging pagkukutya ang kanilang alam na gawain.

Walang kamay ang nais dumapo sa aking palad .
Aking napagtanto na ang aking karamay ay ang aking sarili.
Ikaw ay may sakit pero
Parang ikaw ay isang pasanin sa kanilang balikat .

Pumapatak ang ulan at ako'y nananaghoy .
Panalangin ang aking inuusal sa ganitong panahon.
Tila ba ang langit ay nakikiramay
Tanging pagpapatawad na lang ang
namumutawi sa aking mga labi.

Hikbi at impit na iyak.
Mahigpit na hawak.
Sana ako ay may pakpak
upang makalipad.
Nais ko ring lumangoy papunta sa malayo.

Ako ay lumalaban
Hindi susuko
Mabubuhay para sa aking ikakaligaya
at hindi na para sa iba
Tatakpan ang tenga para sa taong mabaho ang hininga.
Sana sila ay maging masaya.
-Amrydc