Alaala Na Lang
Sa bintana'y nakadungaw,
Pilit kang tinatanaw.
Baka sa pagsikat ng araw,
Ika'y sumilip at dumalaw.
Ngunit nag daan ang ilang panahon,
sabay nang pag lagas ng mga dahon.
Anino mo na lamang ang tanging kapiling,
sa tag-lamig at tag-buhos.
Kasabay ng bugso ng ulan,
Luha ang tangan.
'Pagkat alam kong tanging alaala na lamang
ang iyo sa'kin ay iniwan.
Kay sakit isiping wala na
ang tamis ng ating pag-sinta.
Ako ngayo'y nag-iisa,
kapiling ang tamis at pait ng alaala.
17.02.24
K.A.
© All Rights Reserved
Pilit kang tinatanaw.
Baka sa pagsikat ng araw,
Ika'y sumilip at dumalaw.
Ngunit nag daan ang ilang panahon,
sabay nang pag lagas ng mga dahon.
Anino mo na lamang ang tanging kapiling,
sa tag-lamig at tag-buhos.
Kasabay ng bugso ng ulan,
Luha ang tangan.
'Pagkat alam kong tanging alaala na lamang
ang iyo sa'kin ay iniwan.
Kay sakit isiping wala na
ang tamis ng ating pag-sinta.
Ako ngayo'y nag-iisa,
kapiling ang tamis at pait ng alaala.
17.02.24
K.A.
© All Rights Reserved