...

2 views

Rebound
Rebound.
Minsan bola, madalas tanga.

Oo, ako na.
Ako na talaga ang dakilang tanga!.
Ako na talaga ang madaling magpadala sa matatamis na salita.
Ako na talaga yung naniniwala sa himala.
Ako na talaga ang umaasang baka sakali sa'yo ngayo'y may mapala.
Hindi mo din naman kasi ako masisisi.
Dahil sa ilang beses ko din naman kasing pagkakamali,
Siguro naman yung ikaw at ako ngayon hindi na malabong mangyari.

Baka kasi eto na 'yon,
Na baka ito na yung tamang panahon.
Na hindi na ako yung maging option lang.
Na may mangako naman sa'king ako lamang.
Malay ko, malay niya, malay mo naman!.
Walang makakaalam sa tunay nating nararamdaman.
Kaya't susubok, susugal,
Pero matatakot masugatan.
Hahayaang panahon ang magsabi kung patungo tayo saan.
Na baka ang ending ay pareho tayong magkakasakitan.

At kagaya nga ng bolang ilang beses mang i-shoot ay sablay parin,
Ganyan ang papel ko ngayon sa pag-iibigan natin.
Isang babaeng naniniwalang iyong tunay na mamahalin.
Isang rebound na sa pag-ibig ay alanganin.



03.07.2018
K.A.
© All Rights Reserved