...

1 views

ilan nga ba?
ilang beses ba umiibig ang tao?
ilang beses bang
mahuhulog,
lalagapak,
aahon,
at mahuhulog muli?
pero sa kaso ko,
ilang beses bang
mahuhulog,
iilag,
tatakbo,
aahon,
at mahuhulog muli?
sapagkat
sa kabila ng mga brasong
nakabukas at handang sumalo
ako'y nagpapatihulog
dun sa may malayo
sa walang aagapay,
sa walang sasalo,
sa walang makakakita,
walang makakaalam
dahil ang kakampi ko
ay ang semento,
ang mabuhanging lapag ng mundo
nakapupuwing,
nakasusugat,
pero haharapin itong lahat
ng mag isa.
mag isang babangon,
mag isang aahon,
na di man lamang
nasisilayan ng nag aantay sumalo
di man lang nalaman
na nahulog din naman ako
pero nandito nga lang ako
sa malayo
sa hindi kita ni anino
dahil di na kailangang
malaman pa nito
na nahuhulog din ako
hindi ko nga lang
piniling magpasalo