...

1 views

Dati
Tila isang bukhang liwayway
Sa kanilang mata tuwing lalapit
Pagsapit ng umaga sila'y nahahalina
Sumabay sa aking himig at awitin.

Kasing liwanag ng sikat ng araw
Mga ngiting sasalubong tuwina
Bumuhos man ang ulan sa gabi
Di matatangay mga batong inipon.

Dati tulad ng isang buwan sa gabi
Nagliliwanag pati mukhang maamo
Ngayo'y dumating ang kaaway
Na balak lipulin kanilang isip.

Noon matamis at ngayo'y kay pait
Di na nagawi sa kinasanayang tagpuan
Mukha'y tila nagpaparam na
Wala ng saysay bawat aking tinig.

Dati'y may buong lakas umawit
Ngayo'y tila isang bulag at pipi
Nakatayo sa disyerto walang naririnig
Nakatingala sa ulap na di kumukurap.

Kayhirap malason nitong isip at puso
Di na maakit at mapaamo ulit
Walang mainam makikita kundi masama
Sila'y nabulag na ng kasinungalingan

Masasabi kong ang tao'y madali mahulog
Sa isang patibong na di alam ang dulot
Di muna inisip saka lahat liwanagan
Ganoon na lamang paglaho sa kapabayaan

Di na maibabalik pa ang dati
Katulad ng isang bukhang liwayway
Sasalubong sa'yo pagsapit ng umaga
Sadyang wala na ba talaga?
© ScarletHeart995