...

2 views

Tagu-Taguan
Ipikit ko man ang aking mata,
Ikaw at ikaw parin ang nakikita.

Isa, dalawa, tatlo.
Pagbilang ko ay itatago na ito.
Ang lihim na damdamin sa'yo,
Na hindi kayang sambitlain ng labi
ngunit kayang ipadama ng puso.

Isa, dalawa, tatlo.
Anumang nais sabihi'y nauunahan
ng takot mabigo.
Kaya't mas ninanais tumahimik
at magtago.
Dahil hindi kayang aminin ang totoo.

Isa, dalawa, tatlo.
Kaya ko pa kayang makipaglaro,
sa sariling damdamin na dinadaya ko?.
Kaya ko pa kayang ilihim ito?,
kahit na alam kong sa huli ako parin ang talo.

Tagu-taguan, maliwanag ang buwan.
Pagmamahal sa'yo'y nais kong ipaglaban.
'Pagkat ayaw kong manghinayang,
sa isang pag-ibig na masasayang.
Ngunit sa huli'y puso ko parin ang masusugatan.


16.12.2018
K.A.
© All Rights Reserved