...

2 views

Sa Kabilang Buhay
Sa kalaliman ng gabi ako'y muling naghihintay.
Luha sa mata't hindi maipaliwanag na lumbay.
Iniisip at pilit inaalala ang iyong mukha.
Sa puso'y hinahanap ang pirasong nawawala.

Inaalala ang ating nakalipas.
Hinahagilap at binabagtas.
Pag-ibig nating lumipas.
Dito na lamang ba magwawakas?.

Ngunit nang muling makita ka'y naliwanagan.
Alaala mo'y sa akin parin nakatangan.
'Pagkat sa piling mo ang tunay kong tahanan.
Madilim na kapaligiran at daanan,
hindi inasahang ikaw parin ang masusumpungan.

Ikaw parin ang tanging laman ng isip at puso.
Ikaw lamang sa akin ang muling magbubuo.
Sa kalaliman ng gabi, hanggang sa dulo.
Sa kabilang buhay ma'y tanging ikaw at ako.


18.02.2024
K.A.
© All Rights Reserved