...

6 views

COFFEE LOVERS
Umiinom ako ng kape.
naalala kita. Naalala kita dahil naalala ko yung kinanta nating dalawa, Ang malamig na kape na ating pinainit. Ang kapeng hindi nating hinayaang manlamig pero parang sa pagdaan ng panahon, Palamig na ito ng palamig.

Nakikinig ako ng kanta.
Naalala kita. Naalala kita nung tumugtog yung awiting You make me smile sa radyo. Tila na ko baliw, sa kakakanta nito. Pinagalitan nako ng ate ko sa paulit ulit kong pag kanta nito. Pero sa dulo ng kanta Ang katagang Goodbye ang nagpaalala na, Oo nga pala. Walang permanente sa mundo.

Nagsusulat ako ng Kung ano-ano.
Naalala kita habang nagsusulat ako.
naalala kita kase, Oo nga pala. Mahilig sa rin magsulat tulad ko.
Mahilig ka sa Random thoughts kagaya ko.
Mahilig kang mag isip ng sobra sobra.
mahilig kang magsulat ng di tapos na pahina tulad ko.
Mahilig kang magimagine.
mahilig ka magbasa.
mahilig ka sa magagandang bagay
pero nasaan naba ang pagkahilig mo sakin?
nasa kaibigan mona.
nasa kanila na.
Okay lang.
masaya ko nahanap mo na.
Ang bago mong isusulat sa buhay mo.
Naalala kita, Habang nasasaktan ako ng sobra.

Nagpapasalamat ako.
naalala kita. dahil Maraming bagay ang natutunan ko sa paglayo mo.
maraming bagay ang natutuhan ko.
Maraming bagay ang napahalagahan ko.
kaya naalala kita, noong nagpapasalamat ako.