...

5 views

Half full and half empty
Sabi nila may makikilala ka
Taong bubuo kung sino ka
Ang tanong siya ba ay buo na?
O wasak pero di nya lang kita?

Paano kung hindi mo kayang punuan?
Pagmamahal, pamilya o ano paman.
Gaya ka rin ba nyang wasak na?
O ikaw lang itong nagpapanggap na okay ka?

Kalahati kang buo, kalahati syang durog
Ang hirap mamangka, dalawa kayong ilog
Masusukat ba kung ang pag-ibig ay totoo
Kung sa pagkukulang siya ang pupuno?

Kaya huwag mo munang isalin
Kung anong meron ka at lahat ubusin
Magtira ka dahil ikaw ay kulang din
Unahin ang sarili at lubusang mahalin