...

10 views

Ulan (Rain) A Filipino Poem
Sa bawat pagpatak ng ulan, ay may katumbas na dahilan.
Dahilan kung bakit ito pumatak.
Sa bawat pagpatak ng ulan, ay 
maihahalintulad ko ang aking luha.
Luhang ikaw ang dahilan,
Luhang ikaw ang rason.
Ang ulan ay parang mga pumatak na luha.
Hindi titigil hangga't hindi nauubos.
Hindi titila hangga't hindi pa tapos.
Sana nga ay para na nga din ulan ang mga luha,
Na kapag natapos ang pagbuhos ay sisilay ang bahaghari,
o sisilay ang ngiti sa ating mga labi.


© All Right Reserved