...

1 views

Hindi Hinihintay ang Pag-ibig
Hindi hinihintay ang pag-ibig
marubdob itong hinahanap,
ginagalugad, sinisisid sa kaibuturan.
Hindi hinihingi ang pag-ibig,
kusa itong iniaalay,
at lagi'y nangangahulugan ng pag-aalay ng buhay.

Huwag maghintay,
Hanapin mo ang pag-ibig.
Huwag maging makasarili,
Mag-alay ng buhay.

May mata ang pag-ibig. Hindi ito bulag.
Pula ang kulay ng pag-ibig.
Ang lasa ay matamis-mapait,
ang porma'y maaring sa tula o awit,
Sukat ay lalim at langit.
Ang wika ng pag-ibig:...