...

7 views

HILDA
“HILDA”

Dahil sa bitbit kong sugatang puso, dala mo’y paghilom.
Dahil sa lahat ng malabong tanong ikaw yung malinaw na sagot.

Dahil sa lahat ng pag aalinlangan, sayo ako sigurado.

Dahil sa bawat pagsambit ng mahal kita, kalakip nun yung katagang mahalaga ka.

Dahil sa mga araw na mag-isa mong hinaharap ang lungkot ng kahapon, magkasama na tayong sasalubong sa masayang bukas.
Dahil sa paulit-ulit na pagsabi ko sayo ng salitang palagi kasabay nun yung habang buhay na kitang tinatangi.

Dahil sa lahat ng umalis, ako yung mananatili.

Dahil hindi dapat tayo sumusuko, sabay tayong lumalaban.
Dahil hind ka na muling mag-iisa, andito na ko’t iingatan ka.
Dahil minsan lang dumating ang totoong pag-ibig, bakit hindi natin hayaang mga puso ang siyang maging bibig.
Dahil kung may ikaw at may ako, bakit hindi pwedeng maging tayo?


© SheloveIsla

#tagalog