...

2 views

Bakit single ka parin?
"Uyy, kumusta ka?. Kelan ka ba mag-aasawa?".
Hindi ko alam kung nagtatanong sila o nangungutiya na.
Dahil sa tuwing ako'y kanilang makikita'y palaging 'yan ang tanong nila.
Na para bang madali lang sagutin, kaya't sila'y namimihasa.

Mag mula sa kamag-anak, hanggang sa kaibigan at kakilala.
Lahat sila parang abang na abang sa love life ko't susunod nitong kabanata.
Kaya tuloy minsan naiisip ko ng sila ang dahilan kung bakit mailap sa'kin ang tadhana,
Kaya't ang ideal man ko'y hindi pa dumating ng kusa.
Na kahit ilang taon na 'ko't no boyfriend since birth pa nga,
Ay hindi parin pinagpapala!.

Hindi naman ako choosy,
Dahil hindi naman ako maganda.
Kaya kahit siguro sa negro o kano hindi ako mabenta.
Kaya siguro single pa.
Single parin. Single ulit.
Paulit-ulit, sobrang kulit!.
Nakakapundi na,
Nakakasawa.
Kung kayo na lang kaya ang mag-asawa!.
Tingnan lang natin kun'di mamuti din ang inyong mga mata,
Dulot ng konsumisyon sa magiging kapareha.

Hindi din ako takot magmahal ha,
Excuse me lang.
Sadyang siguro mas ginugusto ko pang ako lang.
Yung walang ibang inaalala kun'di buhay ko.
Masaya sa piling ng sarili at buo pa ang puso.

Kasi nga single ako.
Walang nag mamay-ari.
Walang gustong umangkin, kaya mag-isa parin.
Oo na, single ako.
Alam ko naman, kaya 'wag niyo ng ulit-ulitin.
Dahil kahit ano pa man ang inyong sabihin at tanungin,
Pagiging single parin ang aking pipiliin.



04.07.2018
K.A.
© All Rights Reserved