...

4 views

ano bang nadarama?
gusto ko na namang maiyak
pero di ko alam kung para saan
gusto ko lang maiyak
kahit di alam ang dahilan

kaya lang
ang pag iyak ay hanggang
gusto lang
dahil walang luhang bumabagsak

marahil ang pag iyak
ay hindi lamang
nakikita sa mga mata
o naririnig sa mga hikbi

marahil ang pagtangis
ay nadarama
sa pusong nag iisa
sa kabila ng pagmamahal ng iba