...

3 views

Kwento
Paanu kung mayroon akung isalaysay na kwento.
Sa Noong Unang panahon ko sisimulan
Napagtanto mo, ito pala ay buhay mo na nakabaybay sa bawat taludturan.
Maririnig mo ba ang boses ko nang may pagkamangha?
Habang dumadampi ang himig sa bawat pisngi ng letra nang aking salita?
Maipagdasal mo kaya na magkaroon nang lakas ang aking mga kamay at braso ?
Upang makayap ang katotohan tungkol sa iyong mundo?
Mag iiba ba ang pananaw mo sa buhay?
At magugulat kaba sa matutuklasan mo?
Na ang mga bagay na akala mo'y nagtatakda sa iyo,
Maaring dalawang linya lamang ang bubuo?
At ang mga maliit na bagay na iyong binabaliwa,
Mga munting detalye na araw araw mong nakikita,
Ay may mas malaking bahagi na gingampanan sa kung sino ka talaga,
Kaysa sa mga gusto mung sasabihin na salita sa iba.
Magtataka ka ba sa mga pahinang natitira ?
at sa lahat ng mga lugar na tinutungohan nang ibang salita?"
At nangako kang susundan ang bawat mahahalagang sandali
At isa ito sa ikakarangal basahin nang iyong sarili.
Hindi kailangan ang tuktok
upang masilayan ang kariktan nag mundo ,
Hindi katanyagn o materyal na babagay ang bubuo sayo
Kasi ang totoo ang tagumpay ay nakahimlay lamang sa kapayaan nang isip at puso.
Tayong lahat ay may sari -sariling kwento
At bago ka umabot sa dulo nang iyong libro,
Sana punuin mo nang tama ang iyong natitirang pahina
Dahil ikaw lang ang may sariling hawak nang iyong pluma at tinta
at ikaw ang may akda
© claude_writes