...

18 views

Sa mundo ng pagdurusa, dapat parin tayo.
Imbis na nag focus tayo palakasin ang isat isa, pati tayo katulad narin ng iba.

Imbis na hinahangad natin punuin ng kapayapaan ang loob ng ating sariling pamilya, tayong dalawa gumagawa ng kagulumihanan.

Naghahanap tayo ng hustisya pero kagantihan sa isat isa ang ating ginagawa.

Sila ang umaaway sa iyo nagpapaalala lang ako pero nauuwe parin sa iba sa usapang iba parin, papaano naman tayo.

Bakit yung tayo yung atin sarili nating atin tayo rin ang sumisira.

Dalawa dapat tayo, pero nagtutulakan tayo hanggang yung tulak lumakas ng lumakas saan tayo pupulitin nito..

Kapag pareho tayo mahulog, sino sasalo sa atin kung pareho tayo mahulog.

Hindi ko maintindihan bakit ganun nagpapasamaan tayo sa isat isa.

Sa dami na nga ng ating pinagdaraanan hindi parin natin makuha na walang ibang sa atin ay magpapalakas at magpapaalalahanan.

Dahil ang buong paligid natin ay masasakit ang ibinibigay pati rin ba tayo pati tayo katulad narin ng iba.

Ano naba mangyayari sa mga bata pagkatapos na tayo ay magtulakan at dalawa tayo kapwa masaktan.

Sino sasalo sa atin mga bata na wala pang mga muang, ang hirap hanapin ang kapayapaan kung tayo sa sarili natin tayo rin ang sumisira.

Ang hirap itaguyod ang kapayapaan kung tayo rin sa sarili natin magpapasok ng kaguluhan.

Pamilya mo akin pamilya ko iyo sa atin ito bakit kapwa tayo sinisira ito..

Kapwa tayo umaasa sa Dios pero kapwa naman tayo inaalis ang pagasa sa Dios.

Kapag lumalapait na ang pagasa tayo rin gumagawa para ito ay masira, hindi dapat tayo ganito kapwa tayo sa iisa kasi pinagisa tayo.

Sa kagipitang ganito naiipit tayo para magtulungan hindi para magsakitan.

May mga bagay akong nagagawa mga pagkakamali ko na nagbu bunga din ng pagkabalisa pero ako ay nauuwe sa pagsisisi at nauuwe ako sa pagkakaisip at pagaalala.

Nauuwe ang pagkatao ko sa ikaw, ikaw ang lumalagay sa pagkatao ko kaya ako nakapagiisip ng pagaalala kasi kahit gaaano ako kasama. Minamahal talaga kita.

Yung pagmamahal nayon inukit ng Dios para makapagisip ako ng tama, hindi para sa iba o saking sarili kundi sa kapakanan mo sa aking pamilya.

Nalalagay ako sa pagkabalisa, pagkalito, kagulumihanan pero nalalagay ang puso ko sa pagmamahal

Kaya nagagawa ko umalis sa mundo ko at ikaw ang aking alalahanin at ang mga bata.

Ang Dios lalo higit ang Dios ang lalo masasaktan kapag tayo ay kapwa nahuhulog na sa pagkakasala.

Patawarin ako ng Dios at patawarin sana ako ng aking asawa,

Mahal na mahal kita, Kung alam mo lang ang mga paghihirap ng kalooban ko, kapag nakikita kita nagdurusa.